MAYBELLE "Parrot ano ba?! Hindi ka ba titigil dyan sa pagpapabalik-balik mo? Nakakahilo ha! Kapag hindi ka tumigil, ihahagis talaga kita sa bintana!" mataray na sabi sa'kin ng kontrabida sa buhay ko. Nandito kasi ako ngayon sa bakeshop nila. Kaming dalawa yung tao ngayon dito dahil umalis nga si Tita. Actually, dapat si Klarisse lang pero sapilitan nya akong hinila kanina palabas ng bahay namin at isinama dito. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Hindi ba nya kayang mag-isang magbantay dito? Kailangan lagi akong kasama? Hindi ba nya alam na bago nya ako hilahin kanina, sobrang namomroblema na ako dahil sa mangyayari mamaya? "Isa parrot ha! Pumirmi ka nga sa isang tabi!" sabi nya sabay kaladkad sa akin paupo sa may counter. "Klang kase!" sabi ko na tatayo dapat pero itinulak nya ako paupo. "A