MAYBELLE "Parrot, gusto mo sampalin kita para masigurado mong girlfriend mo na nga si Clarence" nakangiting tanong sakin ni Klarisse nang makarating kami dun sa dapat pagdadalhan nila sakin. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ano, gaganti lang sya dun sa ginawa ko sa kanyang pagsampal nung naging sila ni JT? Naalala ko pa yung nangyari non, sobrang saya ko kaya non kase nasampal ko ng pagkalakas-lakas si Klarisse. Hmmm, kelan ulit kaya mangyayari yon? Nasa ganon akong pagmumuni-muni nang may maramdaman akong malakas na sampal sa pisngi ko. Biglang nagpeace sign sakin ang bruha. "Bakit mo ko sinampal?" mangiyak-ngiyak na tanong ko sa kanya. Ang sakit kaya ng sampal nya. Feeling ko, biglang matatanggal yung ulo ko sa leeg ko. Bwisit na Klarisse to! "Eh hindi ka kasi nagsasalita, nakatulal