AMBER’S POV KASALUKUYAN na hinihintay namin ang pagdating ni Wyatt. Bukod sa mga executives ay marami din press na dumating na duda ko ay binayaran ni Noah. Ngayon pa lang ay sinasamantala na ni Noah ang pagkakataon. Gusto niya na malaman ng buong bansa ang tungkol sa pag-invest ni Wyatt sa N.D Company. Hindi ko alam kung paano niya napapayag si Wyatt. Pero kung ako lang ang tatanungin ay hindi ako masaya sa nangyayari. May nararamdaman kasi akong kakaiba. Ayaw ko na magamit si Wyatt para sa ambisyon niya. Sumulyap ako kay Noah. Abot hanggang tenga ang ngiti niya. Excited. Kanina pa hindi mapakali at panay ang tingin sa relong pambisig. May marka pa ng sugat sa bandang kilay niya pero hindi na kailangan lagyan ng benda. Dalawang araw lang siyang nanatili sa hospital. Nang masiguro ng do