NOAH’S POV Buo na sa loob namin na sumuko kaya nakapagbigay na kami ng pahayag na inaamin namin ang lahat ngunit bago ang araw ng pagsuko namin ay may naisip na solusyon si Layla. Napahanga ako sa katabaan ng utak niya. Nalaman ko rin ang mga tinatago niyang sekreto. Sagad pala sa buto ang kasamaan niya bagay na ipinagpapasalamat ko dahil kung wala ang katangian niya na ito ay baka naghihimas na kami ng rehas ngayon. May tauhan pala si Layla na mga miyembro dati ng mga sindikato at mga halang ang bituka. Kumuha sila ng isang babae na nagtatrabaho sa club na kasing hugis ng katawan ni Layla. Pinagsuot ang babae ng seksing office attire at nilagyan din ng wig. Pagkatapos lagyan ng makeup ay pinagtabi sila ni Layla. Nalito ako sapagkat magkamukhang-mukha na talaga silang dalawa at hindi ko