Chapter Twenty Eight

1322 Words

TAHIMIK kaming nakaupo sa may hapag-kainan. Nakakabingi ang katahimikan at ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa ring nagsasalita. Nandito pa rin kami sa bahay ni Ace at dito na namin napagpasyahang kumain ng tanghalian dahil na rin inimbitahan kami ni Nanay. Marahang umubo si Tatay tapos ay tumitig sa aming dalawa ni Ace. “Anong balak niyo?” laking pasasalamat ko nang basagin na ni Tatay ang nakakabinging katahimikan. “Uuwi na po sa bahay namin si Heart, Tay. I’m so sorry for the trouble.” Magalang na sagot ni Ace, naramdaman ko rin ang marahang pagpisil niya sa kamay ko na nasa ilalim ng mesa at nakapatong sa mga hita ko. Tumango si Tatay pero walang bakas ng tuwa ang kanyang mukha. “Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari. Walang sinabi sa amin si Heart pero alam kong pare

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD