7:45AM, dumating ako sa tapat ng classroom namin, katulad ng sinabi ko kahapon sa Phoenix na iyon, kinse minuto na lamang before 8AM, ang oras na pinag—usapan nung dalawa.
Sana tumupad siya sa usapan namin. Ilang beses kong sinabi sa kanyang exact 8AM ay nandito na dapat siya.
Ayoko pa naman sa mga late na katulad niya.
Binuksan ko na lamang ang pinto ng classroom namin at pumasok ako roon, good things, ako ang taga—hawak ng susi ng classroom namin. Nililibang ko naman ang aking sarili sa pagbabasa, pero panay silip ko pa rin sa wrist watch na suot ko. Nangunot ang noo ko nang makitang three minutes before 8AM.
Where's that Phoenix already?
Wala ba siyang orasan?
Late ba siyang nagising?
Sinarado ko na ang book na binabasa ko. Wala na akong maintindihan dahil ang isip ko ay nasa lalaking iyon.
Chineck ko ang account ko at minessage si Zon, sasabihin kong i—chat niya ang Phoenix na iyon kung nasaan siya. Friends naman na kami rito sa account ko, but nakakahiya kung ako ang unang magme—message, right?
Hindi ko tipong unang nagmo—move. Kaya, no thanks!
Jobelle:
Good morning, Zon! Can you chat, Phoenix, kung nasaan na siya? Kanina pa ako rito sa classroom natin, and, itʼs already 8AM. Wala pa siya. Thanks!
Sinend ko na iyon, hindi rin naman nagtagal ay nakita kong na—seen na rin ni Zon ang chat ko sa kanya. Gising na siya, ha? Two hours pa before ng class namin.
Zon:
Aha! Sabi ko kasi sa iyo, Elle, ibigay ko ang number mo sa kanya! Mukhang binawian ka agad ni Phoenix! HAHAHA.
Napanganga ako sa kanyang reply at halos umusok ang ilong ko, maraming laughing emoticon ang reply niya sa akin. Bwisit talaga ang isang ito.
Jobelle:
Binawian? For what? So, heʼs immature? Kung wala pa rin siya for ten minutes, aalis na ako. Libutin niya ang school with you, Stephen and Edward... Or, kung ʼdi naman, with Barbie! Kasi unang—una, ayoko sa mga taong hindi sumusunod sa oras.
Na—bwisit na agad ang Tuesday ko. Umagang—umaga ay badtrip agad ako.
Tinago ko na lamang ang phone ko, ayoko nang makita ang reply ni Zon baka lalo lang ako ma—bwisit.
Panay tingin pa rin ako sa wristwatch ko, umaasa pa rin ako na magpapakita siya before mag—eight ng umaga, pero 8:01AM na, wala pa ring Phoenix na sumusulpot sa harap ko.
“Argh! Hindi na ako maniniwala sa Phoenix na iyon. Isa lang din siya sa mga taong hindi tumutupad sa oras na pinag—usapan—”
“L—late na ba ako?”
Napatingin ako sa may pinto nang marinig ang boses ng isang lalaki, nakita ko roon si Phoenix na hinihingal.
“Hindi pa naman ako late sa usapan natin, Elle?” dagdag niyang tanong sa akin.
“8:01AM na, Phoenix. Late ka ng isang minuto.” Tumayo ako sa aking kinauupuan.
“Teka? Late ako ng isang minuto? Eksaktong 8AM ang nakalagay sa wristwatch ko, maging sa phone ko.” Pinakita niya iyon sa akin. Nangunot ang noo ko nang makitang 8AM pa nga lang at bigla na ito naging 8:01 ng umaga. “Sinunod ko ito sa news. Heto ang oras sa news kaya paniguradong accurate ito,” wika niya.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Hoy! Anong pinagsasabi mo? Hindi accurate ang time ko, ha? As long as, late kang dumating, late ka!” malakas na sabi ko sa kanya.
Naiirita ako sa kanya.
Ang yabang pa ng mukha niyang nakatingin sa akin.
“Hindi naman sa ganoʼn, gusto ko lang sabihing exact 8AM akong dumating. Umabot ako sa oras na pinag—usapan natin,” katʼwiran niya sa akin.
Napaawang ang aking labi, magsasalita pa sana ako pero mas pinili ko na lamang itikom ang bibig ko, mapapagod lamang akong mag—explain sa kanya kung ang kinakatʼwiran niya ay mas tama ang oras niya kaysa sa akin.
“Sumunod ka na. Naubos na ang tatlong minuto natin dito sa classroom. Umpisahan na natin ang paglilibot ko sa iyo rito sa Mabunga High School,” sabi ko at nauna na akong lumakad.
Bakit ko siya hihintayin?
Ganoʼng bwisit na ako sa kanya.
Nararamdaman kong sumusunod naman siya sa akin, dahil na rin sa mga tingin sa paligid namin. Napapatingin sila sa likod ko, I mean, kay Phoenix.
Aaminin kong gwapo siya. Moreno, matangkad, iyong mga mata niyang may pagkasingkit, at maging ang buhok niya ay bumagay sa hugis ng kanyang mukha.
Hindi ko sila masisisi kung napapalingon sila ngayon kay Phoenix. Si Barbie nga kahapon ay hindi nakatiiis na lumapit na.
“Saan tayo mag—uumpisa, Elle?”
Napahinto ako at tinignan siya. “Elle?” tanong ko. Close na ba kami ng isang ito?
“Um, iyon kasi ang tinatawag sa iyo nila Zon at maging ng ibang classmates natin... Hindi ba pʼwede?”
Elle, magiging mataray tayo sa isang ito. Isipin mo iyong pinaghintay tayo ng isang ito ng isang minuto, pero bakit nakonsensya ako. Iyon mga mata niyang parang iiyak na.
“Bahala ka sa buhay mo. Do what you want!” sungit na sabi ko sa kanya, pero imbis na mainis siya dahil sa tono ng boses ko, ngumiti pa siya nang malaki.
“Thanks, Elle! But, nagbago na pala ang isip ko... Gusto ko na lang tawagin ka sa real name mo, Jobelle!” nakangiting bigkas niya sa aking pangalan.
I was shocked when I heard him say my name. Jobelle, minsan lang may tumatawag sa akin iyan, mas prefer nila ang Elle dahil maikli at madaling tandaan.
Sina Mama at Papa lamang ang tumatawag sa akin ng Jobelle.
“Jobelle, ayaw mo ba?”
Napapikit ako at napalihis ng tingin sa kanya. “Uulitin ko, wala akong pake kung ano man ang itawag mo sa akin. Elle or Jobelle, I donʼt care. Parehas naman ako iyon!” sagot ko sa kanya kahit dama kong kumakabog nang mabilis ang aking dibdib.
“Thanks, Jobelle!”
Parang nakuryente ang buong katawan ko sa kanyang sinabi, hindi lang iyon tinapik pa niya ang aking balikat. Lumayo ako sa kanya at muling lumakad. “Dalian natin! Sa new gymnasium kita dadalhin!” malakas na sabi ko, muntik pa ako mautal.
“Okay, Jobelle!” Narinig ko na muli ang pagsunod niya sa akin.
“Heto ang isa sa dalawang gymnasium na mayroʼn tayo... Heto ang bago at iyong sa kabila ay luma na. Dito ang class natin kapag PE, third year and fourth year ang pʼwedeng gumamit dito, at iyong luma ay first year and second year. Kung sasabihin mong may discrimination? Wala. Actually, mas gusto ko pa sa luma dahil maraming ventilation at mas malaki kumpara rito... Gusto mo rin bang makita ang isang iyon?” pagtatanong ko sa kanya.
Naglalakad na kami palibot dito. Good things, wala pang nagka-class dito, marami lamang tambay.
“Gusto ko ring makita,” nakangiting sabi niya. Panay ngiti na siya ngayon, ha? Kahapon ay poker face siya.
“Okay, sumunod ka sa akin.” Nauna muli akong lumakad.
Wala naman kasing makikita sa mga gym, isang buong lugar lamang ito na maraming upuan at may stage sa dulong parte at may basketball sa magkabilang dulo rin, natatanggal naman ang mga iyon.
“Famous ka siguro rito, Jobelle.” Hindi pa rin ako sanay na tinatawag akong Jobelle.
“Nope. Hindi ako famous dito,” sabi ko sa kanya.
Naramdaman kong tumabi siya sa akin, sumasabay na siya sa paglalakad sa akin. “Famous ka! Tinignan mo ang paligid, tumitingin sila sa iyo! Ang daming tumitingin sa iyo, oh!” malakas niyang sabi at pinagtuturo ang mga lalaki sa paligid namin.
Tinignan ko naman iyon at bumalik muli sa harapan ang aking tingin. “Ikaw ang tinitignan nila at hindi ako, Phoenix. Nakatingin sila sa iyo dahil bagong lipat ka. Ganoʼn naman talaga kapag bago,” ani ko at binilisan ang paglalakad.
“Mga lalaki ang tinuro ko sa iyo kanina, Jobelle! Hindi naman pʼwedeng may crush sila sa akin! Hindi ako pumapatol sa lalaki!” malakas niyang sabi. “Kaya sa iyo sila nakatingin! Sinabi sa akin ni Zon na sobrang talino mo raw at ang parents mo ay parehong may mataas na honor nang mag—aral sila rito!”
“Ano namang connect nuʼn sa akin, ha?” Bakit parang ang lalo naman yata ng old gym namin? Dama kong kanina pa ako naglalakad.
“Sapat na iyon para maramdaman ang presence mo na matalino ka talaga!”
“Phoenix, hindi ako nag—aral para ipadama sa kanila ang presence ko. Nag—aaral ako para sa kinabukasan ko at masuklian ang sacrifice ng magulang ko, maliwanag? Kaya wala akong pake kung famous ba ako rito sa school or hindi. Nasa isip ko? Ang mag—aral hanggang makapag—trabaho ako nang marangal!” sabi ko sa kanya at mabilis na muling naglakad.
Bigla akong nairita nang hindi ko namamalayan. Siguro malapit na akong magkaroon kaya ganito ako. Ganito kainit ang ulo ko kapag palapit na ang aking buwanang dalaw.
“Heto ang old gym ng Mabunga High School... Nakita mo ba ang kaibahan nito at doon sa unang pinuntahan natin? Pʼwera sa sinabi kong mas malaki at maraming ventilators, ha?” Tinignan ko ang paligid, may isang class na ang nagtuturo kaya nasa harapan lamang kami.
“Hindi siya mukhang luma... At, wala siyang kisame katulad sa bago.”
“Nice eyes!” puri ko sa kanya. “Kaya maraming ventilators dito dahil walang kisame ang gym na ito. Sobrang init kapag tanghaling tapat, pero sobrang lamig naman kapag tag—ulan. Alam kong ganito ang design for the gym talaga, pero sa kabilang gym ay binago at nilagyan ng kisame dahil iyon ang request ng mga fourth year... Mainit kapag tanghaling tapat. Tagaktak ang pawis at ang iba pa ay nahihimatay, kaya parang ginawang bahay ang new gym, compare rito sa luma. Inayos din naman ito... Nilagyan pa nang mga ventilator and electric fan.” Pinagtuturo ko ang mga malalaking electric fan sa buong paligid. “Para maiwas ang exhaustion ng mga estudyante lalo na ang may class ng 11AM to 3PM. Sobrang init nuʼn, subok ko na. First year and second year may MAPEH class kami rito ng 12NN to 1PM. Sobrang init, hindi rin kinakaya ng pamaypay lamang,” sabi ko sa kanya.
Kapag naaalala ko iyon, parang mahihimatay ako kapag MAPEH na ang subject namin. Kaya kapag ganoʼng oras ay hinihiling naming umulan para malamig sa loob.
“Wow! Buti kinaya niyo?”
“Dapat kayanin namin... Matatalo kami ng temperature kung ganoʼn, ʼdi ba? Oh, si Zon, laging naka—sando kapag MAPEH namin, muntik na rin siyang mahimatay dahil sa init.” Naalala ko na naman iyon, akala ko tinatakot lang kami ni Zon, iyon pala muntikan na talaga siyang mahimatay.
“Tapos ka na bang tumingin? Tara sa chapel dito.”
“May chapel sa school?”
“Parang gulat na gulat ka yata? Public high school ito, pero may chapel pa rin kahit papaano. Private lang ba dapat ang mayroʼn?” takang tanong ko, na siyang pag—iling niya sa akin.
Lumakad na muli ako para pumunta sa chapel, nasa likod ng school iyon kung nasaan ang building ng THE/HE class. Pero, bago iyon madadaanan namin ang quadrangle, hindi pa man mainit kaya sa gitna kami lumakad.
“Malaki ang quadrangle. Dito ba lahat pinapatipon kapag may announcement? Or, flag ceremony?” Tumango ako sa kanya at dumaan kami sa gilid ng stage, nandoon ang daan papunta sa likod. “May classroom din dito?” Tumango muli ako sa kanya. “Sino nagka—classroom dito—”
“Mga first year, Phoenix. Mga nasa star section hanggang section 5,” sagot ko sa kanya at lumakad na papunta sa likod. “Heto ang THE/HE building. Heto ang chapel nasa right side natin. Pʼwede ka rito magdasal kung gusto mo, may kalakihan din ito, mga nasa 30 persons ang kasya.” Pumasok kami sa loob at maayos ang buong paligid.
Tumigil na muna kami rito dahil naglilibot siya. Hinayaan ko na lamang dahil wala naman na kaming pupuntahan. Heto lang naman ang mahalaha rito sa school namin, for sure ang office ng Principal at Guidance office ay napuntahan na niya kahapon.
“Tapos ka na tumingin?” Tumango siya sa akin. Tinignan ko ang wristwatch na suot ko. “Wala na akong maipapakita sa iyo. Heto na ang lahat ng kailangan mong malaman sa school. Iyong canteen at garden naman ay nadaanan mo na kahapon, kaya ʼdi ko na ipapakita. Kaya aalis na ako, may isang oras pa bago ang class natin. Kaya bahala ka na kung anong gagawin mo sa natitirang oras na iyon.”
Nauna na akong lumakad sa kanya, kailangan kong pumunta na sa library para makapagbasa ng advance lesson sa mga subject namin.