NAPATINGIN na ako sa harap nang makita kong bumuka ang kanyang bibig, magpapakilala na siya.
“Hello, ako si Phoenix Mendoza na galing sa probinsya ng Marinduque. Sana maging kaibigan ko kayong lahat.”
Tinignan ko lamang siya nang matapos siyang magpakilala. Iyon lang ang sasabihin niya? Wala man lang ibang information?
“Section 1, kayo na bahala kay Phoenix, naiintindihan niyo ba? Phoenix, maupo ka na roon sa tabi ni Zon, sa likod ni Jobelle. And, Jobelle, ikaw na bahala kay Phoenix, ikaw ang president ng class kaya ilibot mo siya sa buong school natin,” saad ni Ms. Pitogon sa akin.
Ngumiting tumango ako sa kanya. “I will, Ms. Pitogon!” mabilis na sagot ko sa kanya.
“Oh, siya, ipapasa ko na muli kayo kay sir Gabriel. Makinig nang mabuti!” babala niyang sabi sa amin at lumabas na siya sa classroom.
Napatingin naman ako sa bagong classmate namin, dumaan siya sa gilid ko at pumunta sa likod ko.
“Hello, bro, Phoenix, right? Ako naman si Zon Angeles! Nice to meet you! Ipakilala kita sa mga kaibigan ko rin.” Naririnig ko ang sinasabi ni Zon.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nakinig na ako kay Sir Gabriel, hanggang magpa—quiz na nga siya. Sinabihan ko sila kanina.
“Elle, anong sagot dito?”
Naririnig ko ang bulungan nina Nikki, Stephen and Edward, si Cristy ay matalino rin sa Math.
Hinayaan ko na lamang sila, kahit para silang bubuyog na bubulong—bulong.
“Edward, pakopya... Tapos ka na ba?”
Isama mo pa si Zon na nasa likod ko ngayon. Bakit napapalibutan ako ng mga bubuyog.
“Phoenix, mangopya ka na lang din sa akin... Kapag nakuha ko na iyong papel ni Ed.”
Dinamay pa niya ang bagong transferee, bahala siya. Siya na lang kaya maglibot sa Phoenix na iyan? May kailangan pa akong puntahan sa library mamaya.
“Um, thanks....”
“Wala iyon, tulungan dito sa school.”
Tulungan your ass. Hindi lang kayo nahuhuli kaya tulungan pa.
Natapos ko na rin sagutan ang quiz kaya tumayo na ako. “Sir Gabriel, tapos na po akong sagutan ang lahat,” sabi ko sa kanya at binigay ang answer sheet kong nasa one whole pad paper.
“Very good, Ms. Borja. Bumalik ka muli sa upuan and take a nap.” Tumango ako sa kanya.
Lumakad na muli ako pabalik sa silya ko, habang pabalik ako ay napatingin ako kay Phoenix na nakatingin din sa akin ngayon. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at naupo sa pʼwesto ko.
“Hindi mo man lang kami pinakopya muna, Elle. Parang hindi mo kami barkada.” Narinig kong bumulong si Zon sa likod ko.
“Kay Edward kayo mangongopya, ʼdi ba?” Napasilip ako kay Edward na nasa number 5 na, kino—kompute na niya. “Malapit nang matapos si Edward, Zon, kaya hintay ka na lamang,” bulong ko sabi sa kanya at umubob na rito sa desk ko.
“Tsk, ang damot mo talaga... Ed, pakopya na dali.”
Sinabihan ko na silang mag—review kanina, pero hindi sila nakinig lalo na itong si Zon na lumabas pa sa classroom.
Manigas siya!
Kinuha ko na lamang ang book ko for Social Studies class after this Mathematics. Isa rin ito sa favorite kong subject, kaya habang nagsasagot sila ay nag—aaral naman ako for next subject.
“Umabot kami ni Phoenix!” Narinig ko ang malakas na boses ni Zon, nang maiabot niya ang papel niya kay Sir Gabriel. Napataas ang tingin ko at nakita ko ang pagtingin ni Zon sa akin. “Ang damot kasi ni Elle, hindi ako pinakopya!” saad niya sa akin.
Ngumiti ako nang malaki sa kanya. “Sinabihan na kita kanina na mag—review ka, Zon... Anong sinabi mo sa akin? Mangongopya ka na lang kay Edward, ʼdi ba? Kaya manigas ka! Dapat mag—aral ka rin, hindi iyong puro asa ka kay Edward, maging ikaw rin Stephen!” malakas na sabi ko sa katabi nina Nikki and Cristy.
“Tsk! Nakita tuloy ako ni Elle. Manahimik ka na, Zon, pati ako nadadamay. Baka i—tsismis ako nito kay Mama! Suki pa naman si Mama sa boutique nila!”
Napakamot na lamang si Zon sa sinabi ni Stephen. “Sorry naman, Elle. Mahina talaga ako sa Math! Hindi kami nagkakasundo ng mga numbers! Nahihilo rin ako sa formula!” Katʼwiran pa niya sa akin at bumalik sa pʼwesto niya. “Oo nga pala, Elle, sabi ni Ms. Pitogon, ililibot mo si Phoenix sa school natin! Baka nakakalimutan mo, pinapaalala ko lang sa iyo,” dagdag niyang sabi sa akin.
Nilingon ko sila sa likod. “Zon, may gagawin ako sa lunch break natin, kayo na lang nina Stephen and Edward ang maglibot sa kanya—”
“Hindi pʼwede, Elle! Ikaw ang inutusan ni Ms. Pitogon! Kaya ikaw ang maglilibot kay Phoenix mamaya pagkatapos mong kumain sa lunch break!”
Napaawang ang aking labi sa sinabi niya. “I forgot na may important akong gagawin mamaya. Pinapatawag ako ni Mr. Marquez sa faculty later,” katʼwiran kong sabi sa kanila. Si Mr. Marquez ay Professor namin sa ESP, wala kaming subject today sa kanya, pero may ibibigay siyang assignment tomorrow.
“Kung hindi ka pʼwede today, eh ʼdi bukas mo gawin. Bago ang class natin, Elle. Before nine ng umaga ay nandito na kayo, kung importante ang gagawin mo mamaya!”
Hindi talaga nagpapatalo ang Zon na ito, hindi ko kasi pinakopya kanina.
“Totoo iyon, Elle. Ikaw ang president kaya kailangan mo siyang ilibot.”
“Ibukas mo na lamang kung busy ka!”
sabay na sabi nina Nikki and Stephen, nakisali pa ang dalawang ito.
“Nikki?” Tinawag ko ang buong pangalan niya.
“I mean, as President ng section natin dapat maging ehemplo ka sa bago, katulad ni Phoenix, ʼdi ba, guys? Dapat maging mabait tayo sa new transferee natin?” malakas na sabi ni Nikki sa buong section namin, at nanahimik siya nang sumang—ayon ang aming classmates.
“Why, Elle, you donʼt want ba na maging tour guide ka ni Phoenix, ha? If you want, ako na lang!”
Narinig ko na naman ang nakakairitang boses ni Barbie, ang muse namin.
“Hello, Iʼm Barbie Garcia, ang muse ng section na ito... Single ako and bubbly, may pagka—smart din ako, rank 10 ako sa section!” nakangiting sabi niya habang nagpapakilala sa Phoenix na ito.
Rank 10? Nangongopya lang naman siya kay Maria na rank 2 at ang Vice President sa section.
Paano naman kasi ay magpinsan silang dalawa.
“Uh—hi, Iʼm Phoenix... Thanks sa alok, but no thanks! Kay Elle ako inassign ni Ms. Pitogon. If hindi siya pʼwede today, bukas na lamang ng umaga before the class.”
Nagsalubong ang magkabilang kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya. Humarap ako sa likod ko at nakita ko ang tingin ni Phoenix sa akin.
“Ouch!”
“Pahiya si Barbie!”
“Hindi tumalab ang pretty face card niya. Akala niya kasi makukuha niya ang lahat.”
“Oopss, hindi lahat ng boys ay may gusto sa kanya.”
Naririnig ko na ang bulungan ng mga kaklase namin, Napatingin din ako kay Barbie, kita ko ang magkabilang mata niyang napapatingin sa paligid namin.
Gusto kong ibuka ang bibig ko para tulungan siya, pero hindi ko alam ang sasabihin ko at baka kasi lalo lamang mapasama ang nangyayari ngayon.
Nakita ko ang pag—kompose niya sa kanyang sarili. “Okay, fine! Mabait ako kaya nag—try akong alukin ka, Phoenix. Saka, hindi ka naman gwapo!” ismid niyang sabi at humarap sa mga classmate namin. “Hey, naririnig ko ang mga bulungan niyo! Inggit lang kayo sa akin. Kasi ako pinanganak na maganda at matalino, eh, kayo, pinanganak lang! At saka, inggit kayo sa akin dahil iyong mga crush niyo, may crush sa akin, iyon nga lang busted sila. I donʼt like them, eh! Ang papanget ang taste niyo!” malakas niyang sabi at nag—martsa siya pabalik sa upuan niya, katabi ang pinsan niyang si Maria.
“Bro, ang angas mo, ha! Tinanggihan mo si Barbie... Alam mo bang isa sa pinaka-sikat dito sa school natin? Siya ang pretty face ng Mabunga High School, Phoenix!”
Napaka—exaggerated talaga itong si Zon, paano naman kasi ay may gusto siya kay Barbie.
“Hoy, Zon, huwag mo nga guluhin si Phoenix. Hindi mo siya katulad mo na may gusto kay Barbie,” suway ko sa kanya at tinignan si Phoenix. “Bukas, before nine in the morning ay nandito ka na dapat sa school, ha? Ililibot kita, hindi lang talaga ako pʼwede ngayon, okay?”
Tinanguan niya ako. “Saan tayo magkikita?” baritonong tanong niya sa akin.
“Sa may gar— uh, I never mind... Dito na lang sa classroom, before nine, ha? Ayoko ng talk s**t. Ayoko ng taong late sa usapan. Kaya kung nine dapat nandito ka na before nine ng umaga,” ulit kong sabi sa kanya.
“Naku, Phoenix, dapat mo siyang sundin. Strict niyang si Elle sa oras.”
“Zon, naririnig kita!” Ang lakas ng boses.
“Sorry, Elle!”
Hindi ko na lamang siya pinansin at nagbasa na lamang muli ng book for next subject.
Dumating ang recess namin, may forty minutes kami before ang fifth subject namin na Science, at pagkatapos nuʼn ay MAPEH then THE/TLE subject namin. Ganito ang everyday class namin.
“Hey, Phoenix, sabay ka na sa amin! Tropa ka na rin namin!”
Sinukbit ko na ang aking bag, magmamadali aking kumain dahil pupuntahan ko pa kay Mr Marquez.
“Pʼwede ba?”
“Oo naman! Para kang others, ha! Tara na! Iiwan na tayo ng babaeng iyon!”
Narinig ko ang malakas na boses ni Zon, na akala mo ay naka—megaphone sa sobrang lakas ng boses.
“Gwapo ang transferee, Elle. Bet mo?”
Tinitigan ko si Nikki, pero ningitian lamang niya ako. “What? Totoo naman ang sinabi ko, type mo kaya siya. Ganyan ang gusto mo, ʼdi ba? Huwag ka na magsinungaling, ha! Mukha rin namang mabait siya, ʼdi ba, Cristy?”
Sumang—ayon naman itong si Cristy. “Totoo! Tignan mo iyong tatlong kumag, naging kaibigan agad si Phoenix.”
“Sa umpisa lang niyan dahil bago pa siya, pero kapag nagtagal, lalabas din ang sungay niyan. Tara na nga pumunta na tayo sa canteen para makakain na tayo, pupunta pa ako kay Mr. Marquez pagkatapos kong kumain!” Hinila ko na silang dalawa.
“Hoy, Zon, Stephen, and Phoenix! Dalian niyong kumilos, sila Elle pababa na! Iiwan na naman tayo!”
“Kahit kailan talaga ang tatlong iyon ay ang hilig sumama sa atin.” Lumabas na lamang bigla sa aking bibig.
“Alam mo namang tayo lang ang kaibigan ng tatlong kumag na iyon simula noong Elementary pa, except kay Stephen noong first year high school lamang.” Naging suki kasi namin ang Mama niya sa boutique shop namin, kaya naging close rin kami.
Pero, ang pagkakatulad nilang tatlo, sakit sila sa ulo ko. Tapos, may dumagdag pang Phoenix ang pangalan.
Argh, hindi ko na alam ang gagawin ko!