Laurice' POV Hindi ko yata alam kung makakatulog pa ako nito, pinilit ko muna na pakalmahin ang sarili habang nasa kusina ako. Napahinga ako ng malalim nang maramdaman kong normal na muli ang paggana ng buong sistema ko, tumayo na ako saka na naglakad pabalik sa kwarto. Hindi ko nalang alam kung paano ko haharapin si Cedric Ryui nito. He had the memories all along! Those memories... Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko saka ko naman naalala ang unang pagkikita namin, iyong mga mata nito... I wonder what he thinks of me, when he saw me... he saw the same face of the woman he used to love... Kaagad akong napailing, this thing is really taking over me...my first life is taking over me! What should I do? Pinipilit kong alisin ang mga tumatakbo sa isipan ko habang papasok sa kwarto

