PROLOGUE
Trojan War
Isang sinaunang mundo ang nasilayan nila matapos silang makapag-divert sa ibang panahon. Isang misyon din na kailanman ay hindi niya lubos akalaing maglalakbay sila pabalik sa makalumang panahon.
"Anong lugar ito?" tanong niya sa mga kasama.
"Hindi pa ako sigurado," tugon ni Khorie sa kaniya.
Maya-maya pa ay narinig nila ang mga kalalakihang naghihiyawan ‘di kalayuan. Mabilis na tinungo nila ang kinaroroonan ng mga ingay habang yumanig din ang lupa.
"Anong—" Nagulat din si Jho. Isa sa mga kaibigan niyang boluntaryong sumama sa kaniya.
"Isang malupit na digmaan! Hindi ko kayang tingnan ang mga nagpapatayan sa isa’t isa," napasapo si Khorie sa bibig.
"Kailangan natin malaman kung anong digmaan at sibilisasyon ito." Napatitig din siya sa mga karumal-dumal na pangyayari saka sumulyap sa kaibigan. "Khorie, ikaw ang nakakaalam sa ganitong pangyayari. May hinuha ka ba?"
"I'll try." Nakatitig din ang kaibigan niya sa mga ito. "Ang mga suot nila…mga taga-Troy at— Achaeans! Sigurado ako sa bagay na iyon dahil sa mga flag ng magkabilang grupo. Ibig sabihin ay—nasa Trojan War tayo!"
"Are you sure?" Paninigurado niya sa kaibigan dahil wala siyang hawak na anumang teknolohiyang magkumpirma sa sinabi nito. Hindi rin niya kabisado ang bawat history ng mga bansa.
"Nakikita niyo ang Trojan Horse na iyon? Isang simbolo ng isang pananakop sa independent city ng Troy at upang magtagumpay na sakupin ang siyudad. Nakapaloob sa wooden horse na iyan ang mga apatnapung mandirigma kabilang si Odysseus. Iyon ang pagkakaalam ko sa mga pasalin-salin ng Greek Literature," paliwanag ni Khorie.
"Kung isang digmaan ang napuntahan natin, hindi tayo maaaring ma-involve rito.” Bigla itong nagging alerto dahil may nakita. “Huh? Palaso? Nagliparang palaso! Takbo!" Mabilis na sigaw ni Jho sa nakitang paparating sa direksiyon nila.
"Huh?!" Nanlaki rin ang mga mata niya nang makita ang tinutukoy ng kaibigan.
Mabilis ang kilos nilang tumakbo papalayo. Maaaring matamaan sila ng ligaw na mga palaso kung hindi sila iiwas agad. Kamuntikan pa siyang madapa nang muling yumanig ang lupa sa pagsabog na hindi nila alam kung saan nagmula. Ito na ang pinakamahirap na sandaling naranasan niya hanggang sa may humarang sa kanilang daraanan. Isang kilalang magandang diyosa na nagmula sa hinaharap.
"Girls! Sumunod kayo sa akin!"
Napahinto sila sa pagtakbo.
"Athena?!" Na-sorpresa si Jho.
"Anong—ginagawa mo rito? Akala ko ba hindi maaaring ma-involve ang mga tulad niyo dahil mababago ang takbo ng panahon?" Nagtataka rin siya nang makita ang magandang dalagang si Athena na nakababatang kapatid ni Hercules.
"Oo. Ako ang gagabay sa inyo sa paglalakbay niyong ito. Hindi ko rin hahayaan na masawi kayo sa panahong ito alang-alang sa mga kapatid namin. I'm sorry, kung natagalan ako. Kailangan na nating iligtas si Ares," wika nito.
"S-sige." Sabay-sabay silang tumango at sumama rito.
Nabuo ang pag-asang maililigtas pa nila ang binata kung gagabayan sila ng isang nilalang tulad ni Athena ngunit nababahala rin siya sa limitadong kakayahan nito. Wait for me, Ares! Kapag nakita kita, magpapagawa na ako ng espesyal na kabaong para sa'yo kapag hindi ka pa natauhan! Idinaan na lamang niya sa biro iyon subalit labis na ang kaniyang pag-aalala rito. Hintayin mo ako, please!