Lina Pinakiramdaman ko siya sa likuran ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim. Hindi naman niya ako hinawakan. Maya-maya'y narinig ko nang muli ang pagbubukas-sara ng pinto sa likuran ko. Kasunod niyon ay biglang katahimikan. Idinilat ko na ang aking mga mata at nilingon ito. Ngunit wala na siya. Mag-isa na lang akong muli dito sa madilim na silid ko. Napahikbi na lamang ako. Muli na namang kumirot ang puso ko. Bumangon ako at mabilis na ikinandado ang pinto. Tulog na sana ako kung hindi na siya pumasok pa dito. Nang-istorbo lang siya! Ayaw niya naman talaga ako makatabi sa kama. Huwag na lang niya akong halikan kahit kailan! Muli akong bumalik sa kama at pabagsak na nahiga. Ibinalot kong muli ang katawan ko sa kumot at muling niyakap ang unan ko. Mabuti pa itong unan!