Lina Ginawa ko na nga rin kaagad ang grocery list. Inilista ko na ang lahat ng mga kailangan namin dito sa bahay. Inikot ko pa ang buong bahay hanggang sa labas upang makita ko ang mga kailangan ko. Bahala na si Kuya Miko na mamili ng lahat ng ito. Si Ninong naman ay naging abala na sa office niya sa silid niya. Nakita ko siya kanina noong pumasok ako sa bathroom niya. Ni-check ko rin kung anong kailangan niya sa bathroom niya. "Kaya mo na po ba 'yan, Kuya Miko? Wala kang katulong sa pagbubuhat niyan mamaya. Marami pa naman 'yan." "Kayang-kaya ko na 'to, Miss Lina. Ako pa." Napanguso ako. "Miss pa rin ang tawag mo sa akin. Para tuloy akong magandang binibini." Natawa naman siya habang tinatanggap ang grocery list na ginawa ko. "Magandang binibini naman talaga kayo, Miss Lina." "Mi