100 C-5

1380 Words
DATE     Kanina pa ako di mapakali dahil kaharap ko ngayon si Sky. Sabado ngayon kaya nandito na naman ako sa kanila.     Yung mga ngiti niya parang may ibig sabihin. Di ko matapos ang pag-checheck na papel niya. Panay kasi ang tingin niya sa akin. Naiirita na rin ako.     "Ano bang tinitingin mo? tanong ko at padabog na binagsak ang ballpen na hawak ko. Mukang may kalokohan na namang naiisip ang lokong ito.     "Char, pwede ba kitang....." hindi niya tinuloy ang pagsasalita.     "Ano nga!!!!??" napalakas na ang boses ko.     Napahawak siya sa batok at yumuko. " Char date tayo mamaya after nito". sabi niya.     Ha? ano bang iniisip nito. Wala naman sa alaala ko na niyaya niya akong lumabas. Hindi agad ako nakasagot.     Kita ko sa mukha niya na parang nag-mamakaawa.Tutal date lang naman. Pagbibigyan ko na, expert na kasi ako pagdating sa ganyang bagay.huminga ako ng malalim at seryoso siyang tinignan.     "Ok" yun lang sinagot ko.     Ngumiti siya at tinapos ang librong pinapabasa ko.     Pagkatapos naming mag aral ay nagpahatid siya sa kanyang driver. Sabi niyakasi siya na daw bahala sa date namin, so ako go to the flow lang. Pumunta kame sa enchanted kingdom. Sa totoo lang natatawa ako nung dun kame pumunta. Sa mga date ko kasi dati ay sinehan, restaurant at mall ang usually na pinupuntahan namin.     At dahil first time ko din sa enchanted kingdom ay hinatak ko agad siya dun sa roller coster. Pag-upo palang namin ay halata ko na na parang namumutla siya. Pati din naman ako ay kinakabahan pero mas excited akong ma try itong roller coaster. :).     "Char, ikaw na lang sumakay" sabi niya, namumutla na siya Hahahaha.Hinawakan ko ang braso niya para di siya tumayo.     "Masaya ito, wag kang kabahan, kaya mo yan!!. natatawang sabi ko.     Pag-andar pa lang ng roller coaster ay grabe na ang sigaw niya.       "WAHHHHHH AYAW KO NA!!! AYAW KO NA!!!! MOMMMY!!!!" sigaw niya.     Ako tawa lang ako ng tawa. Parang biglang bumilis yung andar kaya sumigaw na din ako. "WOHHHHH!!!!!""     Pagkatapos namin sa roller coaster ay sinakyan naman namin yung anchors away. Yung korteng bangka.. basta yun na yun.     Ganun ulit namumutla ulit siya. Pagbaba namin sa anchors away ay parang susuka na siya. Mabuti na lang ay may malapit na c.r. so Hinantay ko siya hanggang masuka niya lahat. Pati yata bituka niya sinuka niya :))     Nag-enjoy ako sa mga rides pati dun sa horror house na pinasukan namin. Panay ang kapit niya sa braso ko. PArang siya yata ang babae hindi ako.Nung nagutom kame ay kumain kame sa mamahaling restaurant, siya nag bayad madame siyang pera eh.     "Char mukang ikaw lang ang nag-enjoy" sabi niya habang kumakain.     "Muka nga, namumutla ka sa mga rides kanina eh, hahahaha!!!" napalakas ang tawa ko. Sumeryso ang mukha niya. Kaya tumahimik ako, Ilang saglit lang ay nakangiti na kame sa isat isa.     Hapon na kame nakauwi. Nagpahatid na ako sa kanya. Habang nasa byahe ay naalala kong hindi pala ako nakapag paalam kila mama na lalabas kame ni Sky.Kinabahan na ako. Sa gate pa lang ay naka-abang na si mama.     "Charlotte anung oras na? di ba mag-aaral lang kayo ni Sky? bakit inabot kayo ng gabi?!" salubong na ang kilay ni mama.     "Ma kasi..niyaya niya akong lumabas".     "Tita sorry hindi po kame nakapag paalam" sabi niya.     "Sky umuwi kana" sabi ni mama.     Lumingon sakin sa mama. "Charlotte pasok sa loob!!!" galit na sabi ni mama.     Nakakahiya kay Sky kasi pinapagalitan ako ni mama. Diretso ako sa kwarto. Dumungaw ako sa bintana nakita kong nakatingin din si Sky. Kumaway siya pagkatapos ay umalis na yung sasakyan niya.     "Charlotte grounded ka in 2 weeks, Pag-aaral lang ang atupagin mo hindi lalake, hindi love, hindi crush o kung ano pa yan!!! at hindi kana magtuturo, makikipag-usap at makikipagkita kay Sky!!!" sigaw ni mama sabay sara ng pinto.     Nagtalukbong ako ng kumot. "Mama...lumabas lang naman kame..." sabi ko mayamaya ay tumulo na ang luha ko.     Parang bigla akong nalungkot nung narinig ko kay mama na hindi ko na pwedeng turuan si sky maski ang makita siya.     Bigla akong nagtaka.."hindi ko maalala na nangyare ito dati!"     Hinawakan ko ang dibdib ko ang lakas ng kalabog. Ngayon ko lang naramdaman yun. "Si sky??!!!" sabi ko sabay hawak sa bibig ko.    _________________   Sa mga araw na hindi ko nakakausap si Sky ay para akong lumulungkot...Isang linggo ko siyang di kinakausap kahit gusto ko ay di pwede, alam ko kasing may spy si mama dito sa school kaya hindi ko siya magawang kausapin o lapitan man lang. Kahit panay ang bati niya sa akin at kausap ay todo iwas ang ginagawa ko. Ayaw ko kasing sugurin siya ni mama sa bahay nila. :(   Sa pangalawang linggo na grounded ako, ay napansin kong minsan na lang pumasok si sky. Hanggang nung matapos ang grounded ko ay di ko na siya nakita.   At ngayon absent ulit siya. Pumasok na si Mam para mag lesson."Class I have an announcement" seryosong sabi niya.   Lahat kami tahimik lang na nakikinig."Hindi na makakapasok si SKy", lahat kame ay nagulat sa sinabi ni Mam, yung mga klasmty kong babae parang maiiyak.   Ako naman ay parang nanlumo pero di ko na lang pinahalata.   "Pupunta na si Sky sa America, Dun na sila titira ng parents niya", sabi ni Mam, halata kong malungkot din si Mam.   Para akong tumamlay dahil sa sinabi ni Mam. :(   Pagkatapos ng klase ay pumunta agad ako sa bahay ni Sky.Nag-door bell ako. Binuksan ng yaya niya ang pinto.   "Yaya si Sky po?"     "Charlotte, nakaalis na sila kaninang umaga" sabi ni yaya.     "Ah-ah ganun po ba" sabi ko sabay takbo. Huminto ako sa pagtakbo kasunod nun ang pagtulo ng luha ko. Nakita ko sa langit ang Airplane. "Sky" naiiyak na sabi ko.      Nalulungkot ako sa pag-alis ni Sky, kung kelan nagugustuhan ko na siya ay dun pa siya aalis.Pag-uwi ko ng bahay ay nahalata agad nila mama at papa yung mugto kong mata.     "Char? bakit? sino umaway sayo?" tanung ni papa.     "Wala pa, akyat na po ako". sabi ko at mabilis na umakyat ng kwarto ko.     Humiga ako sa kama at nagtalukbong. Umiyak ako buong magdamag. Hindi na din ako kumain kahit tinawag ako ni mama. Natulog akong malungkot sa kakaisip kay Sky... Umalis na siya. :((Habang natutulog ay parang lumalabas sa panaginip ko ang mga numero, lumulutang na naman ako, eto na naman yung sinag. Napasigaw na ako dahil parang babagsak ako.     "Ha!!!!" sigaw na sabi ko sabay dilat.     Nasa sasakyan na ako. Yung Orasan na hawak ko biglang nawala, hinanap ko sa loob ng kotse pero wala.     "Panaginip lang yata lahat???". Pero pakiramdam ko talaga totoo yung mga nangyare. Napailing na lang ako.     Mayamaya ay naalala ko na makikipagkita pala ako sa blind date ko. tinignan ko ang relo ko."My ghaadd 9:45 na!!" sabi ko sabay paandar ng kotse.     Pinaharurut ko ang sasakyan papunta sa resto kung saan ko kikitaan ang lalaki. Tinext saken ni mama  kung anung suot nung lalaki at kung gaano katangkad at Pangalan daw, eh Initial lang ang sinabi ni Mama.     Pagdating ko sa restaurant ay sinalubong agad ako ng waitress. "I'm Charlotte Im looking for Mr. S.." Sabi ko.     Tumango ang waitress at pinasunod ako kung saan nakaupo yung lalaking ka blind date ko. Nakatalikod siya. Parang paamilyar ang likod at tindig niya.     Pagharap niya ay nanlaki ang mata ko. Yung puso ko parang matatanggal sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko.Ilang segundo kaming nagkatinginan maya maya ay  nakangiti na kame sa isat isa         "Hi Charlotte, it' been a while.. How are you?" nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay.   "Sky??!! sky Claude??!!" gulat na sabi ko.Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis maya maya ay hinawakan na niya ang kamay ko.   "I miss you charlotte" wika niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.   Di ko napigilan na kagatin ang ibaba kong labi, pigil na pigil ko ang aking labing wag ngumiti. Hindi pa rin nag-iiba ang itsura niya. Maputi at chinito at yung labi niyang manipis na pag siya'y ngumiti ay parang ako lumilipad sa kilig.   "I miss you too" wika ko at naramdaman ko ang kanyang kamay na humigpit ang hawak sa aking kamay.     -------- END of the Story------- I want you to have your own ending in this story. Thank you for reading. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD