100 C-2

1928 Words
"Mama, sino naman yang ipapakilala niyo sa akin??" sabi ko habang nagddrive.     "Anak, malapit ka nang mawala sa kalendaryo, baka mag-sisi ka pag di mo siya sinipot." sabi ni mama narinig ko si papa na tumawa.     "Pa, ma, alam niyo naman na wala sa isip ko ang mga lalake." naiinis na ako kay mama. Marami na akong naka-blind date, siguro nasa 50 lalake na yung iba dun naging boyfriend ko, ang pinakamatagal kong relasyon ay umabot lang ng isang linggo. Iba ang pananaw ko sa mga lalake siguro dahil hindi ko nasulit ang kabataan ko lalo na yung high school life. Sabi nila ang high school life daw ang pinaka memorable sa lahat.     Sa tuwing mapag-uusapan yun ng mga ka opisina ko ay hindi ako makarelate. Jsprom, Fisrt love, first crush, school hearthrob, contest, etc... kung ano pang tawag nila.. I dont know, nag-iisa kasi akong anak kaya bantay sarado sila mama at papa noong kabataan ko.     "Anak sigurado na kame ni papa mo sa ka date mo ngayon," sabi ni mama.     "Pasensya kana anak masyado ka naming pinaghigpitan nung bata ka pa kaya eto ka ngayon walang lovelife at boring ang life" sabi ni papa, narinig kong parang tumawa siya.     "Ma...Pa!!!!'... Sige na pupuntahan ko na, pero last na ito" sabi ko sabay putol ng tawag.     Paglapag ko ng cellphone ay napatingin ako sa relo ko. 9am palang kaya may time pa para puntahan yung sinasabi nila mama na ka date ko daw, 10am ko daw imi-meet yung lalaki.1pm ang pasok ko sa opisina. Flexible time ang pasok ko, paborito kasi ako ni boss. Dahil natatapos ko on time ang mga pinapagawa niya and competitive ako pagdating sa trabaho. Ako ang title holder ng best employee simula nang makapasok ako sa kompanya ni boss.Hininto ko muna ang sasakyan ko sa tabi. Gusto ko munang magpalamig ng ulo. Sumasakit kasi ang ulo ko kila mama at papa. Lumabas ako ng sasakyan para maglakad lakad muna.Nahinto ako sa paglalakad ng may lata akong natapakan.     Dahil sa inis ko ay sinipa ko iyon. "Bwisit na blind date na yan!!" inis na sabi ko.Nakita kong tumama ang lata sa salamin ng isang antique shop.     "Oh my goodness!!" sabi ko sabay punta sa antique shop.Nakita ko ang matandang babae na kinuha ang lata.     "Walang hiyang lata ito sinira pa ang salamin ng shop ko" sabi niya at nagpameywang.     "Lola ako po yung dahilan kaya nasira yang salamin" pag-aamin ko. Nahihiya ako kay lola.     "Ikaw ba??!!!. Tanong niya, inayos niya ang salamin at seryoso akong tinitigan.     Tumango ako. " Yes po lola". yun lang nasabi ko.     "Bayaran mo yung salamin, aba wala akong perang pampagawa niyan, lalo na ngayon na mahina ang mga customer" sabi niya sabay upo sa tumba tumbang upuan niya.     Kinuha ko ang wallet at dumukut ng pera. Inabot ko ang Php 5,000 kay lola. Nilibot ko ang paningin sa shop niya. Ang daming gamit na sobrang luma yung panahon pa ni kopong kopong mga libro, baso, pinggan, banga na mukang may multo sa loob,...at lumang orasan.       "Hija, sobra itong binigay mo,' sabi niya sabay sunod sa akin, Napansin niya lumapit ako sa lumang orasan.     "Ok lang yan lola, pang majong niyo na lang yung iba o kaya pambili niyo ng tabako" sabi ko habang nakatingin sa orasan.     "Wala din preno yang bibig mo hija" sabi niya sabay tawa.     Nilingon ko si Lola. "Lola ang ganda nitong orasan."     "Yan ba?" matagal na yan sa akin, binigay sa akin yan ng foreigner na mag-asawa." Ibabalik ko sana kasi mukang malaki ang halaga baka pagbintangan ako na ninakaw ko.Kaso bigla na lang silang nawala".     Tumango lang ako at binalik ko ang tingin sa orasan.     "Sabi din ng mag-asawa pwede ka daw mag-wish sa orasan kung may gusto ka daw ibalik na panahon, bibigyan ka daw ng 100 days para gawin ang mga gusto mong gawin dati".     "Talaga lola? nag-wish ka?".     "Oo nagwish ako wala naman nangyare"....napansin niya na hindi pa rin maalis ang tingin ko sa orasan. "Hija tutal sobra itong binigay mo, ibibigay ko na lang yang orasan sayo" sabi niya ulit sabay ngiti.     "Sige lola" nakangiting sagot ko, parang na hypnotize ako ng orasan, pagkatapos ng ilang minutong usapan namin ni lola ay bumalik na ako sa sasakyan dala ang orasan. Nasa driver seat na ako ay hawak hawak ko pa ang orasan.     Bigla akong na-excite nang maalala ang sinabi ni lola. "Wish" sabi ko.     Pumikit ako habang nakaharap sa orasan. Medyo mabigat kaya hinawakan ko ng mahigpit.     "Sana bumalik ako sa nakaraan," mahinang sabi ko biglang sumagi sa isip ko ang high school days ko.. "sana bumalik ako nung high school days ko" 1,2,3,4,5, limang segundo akong nakapikit. Walang nagyare kaya dumilat ako.      Tinignan ko ang orasan bigla nalang itong umikot ng mabilis. Nakita kong parang lumulutang na ako kasama ang mga numero. Pagkatapos ay may liwanag na papalapit nang papalapit at ang sinag nito ay patuloy sa paglaki. ___________________ Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Inabot ko iyon at pinatay.   "Inaantok pa ako" sabi ko sabay kusot ng mata.   Pagtayo ko ay kinuha ko ang tuwalya sa cabinet ko. Napansin kong parang may mali. Ibang kwarto yata itong tinulugan ko. Pati tuwalya ko iba din. May mga damit na nakakalat sa sahig, Pati mga libro at notebook ko ay nakakalat. Nahagip din ng mata ko ang picture ko. Napakunot ako ng noo.       " Baby face pa ako dito" sabi ko habang nakatingin sa litrato.   Napansin ko din ang katawan ko na parang lumiit pati buhok ko parang iba. Sa sobrang curios ko ay pumunta ako sa harap ng salamin.     Nanlaki ang mga mata ko. "Oh my ghaddd!!! Totoo ba ito??" gulat na sabi ko sabay hawak sa bibig ko. Pinipigilan ko ang sumigaw     Kinalma ko ang sarili. "Char panaginip lang ito kaya gumising kana" sabi ko sabay kurut sa pisngi at mga braso ko.     Kahit ilang beses kong kurutin ang sarili ko ay di pa rin ako nagigising. "totoo nga!! Totoo nga yung orasan!!!".     Biglang bumukas ang pinto nakita ko si mama na may hawak na sandok. "maligo kana, baka mahuli ka sa klase" sabay sara ng pinto.     "Bumata din si mama. Kung totoo ito may chance na akong i-enjoy ang high school days ko" sabi ko saka  tumawa.     Habang kumakain ay nakatingin lang si mama at papa sa akin. Sa pagkakaalala ko ay napaka hinhin ko kumain. Naninibago sila ngayon dahil panay ang subo ko wala na akong pakialam kung may natatapon na pagkain. Kaya siguro ako nagugutom dati dahil maski pagkain ay hindi ko ma-enjoy.     "Honey, sinasaniban na ata ang anak naten, mukang kailangan natin magpadasal mamaya? sabi ni papa. Nakikinig lang ako sa usapan nila.     "Honey sa tingin ko nga" sabi ni mama at nagpatuloy sa pagkain.     Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako kila mama, hindi sila makapagsalita dahil sa mga kilos ko marahil ay nagtataka sila na magaslaw ako ngayon. Nasanay kasi silang mahinhin ako yung tipong di makabasag pinggan. Natatawa na lang ako sa kanilang reaksyon at lumakad na palabas ng aming bahay.     Pagdating ko sa school ay umupo ako sa dati kong upuan. Sa dulo ako lagi nakaupo dahil sa sobrang mahiyain ko dati. Nasa unahan ko naman ang madaldal na si Bianca. Sa pagkakaalala ko ay lagi niya akong kinakausap pero hindi ako nag-sasalita.     "Goodmorning" bati ko sa kanya.     Kumulubot ang noo niya. "Char??!! tama ba yung narinig ko??! nagsalita ka??!!     Tumango ako sa kanya. 'Yes definitely true" nakangiting sabi ko.     Ilang saglit pa ay dumating narin ang iba naming kaklase. Pumasok na din si mam may kasama siyang bagong estudyante. Syempre, kilala ko na kung sino iyon.     Kinalabit ko si Bianca, hindi kasi siya nagsasalita dahil sa bago naming kaklase na ipapakilala ni Ma'am     "Bianca, I know his name?" bulong ko sabay ngiti.     Lumingon siya sa akin. "Talaga?, anong pangalan niya?".     "Secret" sabi ko. Napaismid na lang siya at muling tinignan yung bago naming kaklase.     "Ok Class, This is Sky Claude your new classmate" sabi ni mam.     Sky Claude. Kilalang-kilala ko siya, Siya lang naman ang pinaka-bully dito sa school. Na-transfer siya dito sa school namin dahil hindi na siya kayang disiplinahin sa dati niyang school. Mayaman siya, may sarili siyang sasakyan at may driver siya, kaya lapitin din siya ng mga girls dagdag pa na gwapo siya, pero sa akin wala siyang kadating-dating. Sa una kala mo ang bait pero katagalan ay kakainisan. Sa tabi ko siya pinaupo ni Mam.     Kahit hindi sabihin ni mam na mababa ang grades ng mokong na ito ay alam ko, pinatabi siya sa akin ni mam kasi ako ang top sa aming klase. Kahit tahimik ako ay kaya kong mag-salita pagdating sa recitation, perfect din ang mga exam ko. Sa madaling sabi mataas ang I.Q ko. (Yabang ko :)     "Hi" nakangiting sabi niya sa klase. Yung klasmyt kong mga babae halos mangisay sa sobrang kilig.   "Sky doon ka maupo sa tabi ni Charlotte, tutulungan ka niyang mag-aral". sabi ni Mam.     Umupo siya sa katabing upuan ko. "Hi charlotte" sabi niya.     Tumango lang ako sabay ikot ng leeg ko. "You made my day bad" pasimpleng sabi ko at binuksan ang librong nasa harap ko.     "What??! tanong niya, marunong siyang mga-english mayaman kasi siya.     Dahil bihasa na ako sa english. ay sinagot ko siya. "Nothing just focus on your books" pagtataray ko.     Pagkatapos ng klase ay niyaya ako ni Bianca at ibang klasmyt namin na kumain sa labas at mag videoke. Syempre ako sasama talaga. Tinext ko na lang sila mama at papa, Hindi naman sila nagreply kaya tingin ko ay ok lang.     Habang naglalakad palabas ng gate ay nakasabay namin si sky may mga kasama na siya. Mukang Friendly siya.     "Sky sama kayo? kakain kame sa labas at mag-vivideoke?" aya ni bianca.     "Sure!" nakangiting sabi niya.     Naiirita akong kasama siya. Kahit kumakain na kami at nagkakantahan ay panay ang pagpapacute niya sa mga kasamahan kong babae lalo na kay Lilac siya ang muse ng klase namin.     Kinuha niya ang microphone at kinantahan si Lilac, kilig na kilig si Lilac sa pagkanta ni Sky.     "Pabebe pa more! ismid ko buti na lang hindi narinig ni bianca na nasa tabi ko   . Pagkatapos niyang kumanta ay kinuha ko ang microphone moment ko na kasi.Kumanta ako to highest level, kahit hindi kagandahan ang boses ko ay wala akong pakialam ang nasa isip ko lang ay mag enjoy.     "I WILL SURVIVE-------EEEEEE, YEAH YEAH YEAH BREAK IT DOWN YOW!!!!! kanta ko. Pagkatapos kong kumanta ay tulala lahat ng klasmyt ko. Pati ice cream ni Bianca ay tumapon na sa uniform halata ang pagkagulat sa mukha nila.     Gabi na kame nakauwi. "Charlotte, nakapag patingin kana ba sa doctor?" tanung niya sabay lapat ng palad niya sa noo ko.     Natawa ako. "Bianca nag-enjoy ako, salamat sa pag-imbita" sabi ko sabay pasok sa gate namin.      Magkatapat lang ang bahay namin ni bianca.   Pagpasok ko ng pinto ay nakita ko sila mama na nakaluhod, may altar na sa sala. taimtim silang nagdadasal.     "Patawarin niyo po kami Lord kung naging masama kami sa anak naming si Charlotte, alisin niyo po ang masamang espiritu sa katawan niya" sabi ni mama sabay yuko sa sahig.     "Lord patawarin niyo po kame, pati po si charlotte hindi niya po alam ang ginagawa niya" sabi naman ni papa.     Napailing na lang ako. Naninibago sila mama at papa sa kilos ko. Masama bang mag-enjoy habang nag-aaral? isip ko.     "Ma, pa nandito na po ako" sabi ko at dumiretso ng kusina para kumain.     "Nandito na po siya Lord, ibalik niyo na po sa dati si Charlotte" narinig ko ang sinabi ni mama di ko maiwasan ang matawa.     _____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD