bc

Till Next Time

book_age18+
2.6K
FOLLOW
10.6K
READ
drama
tragedy
mystery
like
intro-logo
Blurb

May pag-asa ka pa kayang lumigaya kung ang napangasawa mo ay ang hindi mo tunay na mahal? Masasabi mo bang sapat na nagmamahalan na ang dalawang tao para maging masaya sa buhay?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Gaya ng inaasahan ni Cecille, hatinggabi na naman ang uwi ng asawa niyang si Lukas. Narinig niya ang pagbukas ng gate ng garahe na binuksan ng isa ding madalas mapuyat na katiwala nila na si Mang Carlos. May sarili itong maliit na quarter sa likod bahay nila at matagal na nilang kasama ito simula pa lang ng sila ay kinasal. Mas matagal na itong nakasama ng asawa niyang si Lukas dahil katiwala at hardinero nila ito sa kanilang matandang bahay nung hindi pa sila nagsasama. At dahil bumukod na nga si Carlos dahil may asawa na ito at sariling bahay na pinagawa ng Daddy niya para sa kanya, ay sa kanya na pinatira si Mang Carlos upang makasama nila sa bahay at para na din may matirahan ito. Naaawa si Cecille kay Mang Carlos dahil sa madalas nitong mapuyat paghihintay sa palaging hatinggabi uwe ng kanyang asawa sa kabila ng edad nitong nasa humigit kumulang sitenta na. Mula sa itaas ng bahay, ang kanilang kwarto ay nakaharap sa kalsada kaya't kita mula doon  kung sino man ang nasa labas ng bahay nila kahit na mataas ang kanilang bakod at gate. Alam ni Cecille na galing sa pagpupulong ang kanyang asawa para sa nalalapit nitong pagtakbo bilang punung bayan o mayor sa kanilang bayan, ang  bayan ng San isidro sa Cavite. Kasalukuyang vice mayor ngayon ang kanyang asawa sa nasabing bayan at nais nitong kalabanin ang kasalukuyang nakaupong mayor. Sa pagsilip ni Cecille mula sa bintana ay aktong nagbubukas na ng pinto ng sinakyang Fortuner ang mga nakasakay dito. Unang bumaba mula sa likod ng driver's seat ay ang kanyang asawa at sa kabilang pinto ay isang babae na naka black dress na halos malapit ng lumabas ang puwet sa ikli nito. Halos kasabay na din na bumaba si Cholo na bodyguard ng kanyang asawa na bumaba sa harapan katabi ng driver. Maingay pa din ang mga to at panay pa din ang tawanan na maaaring may nakakatawang pinagkukuwentuhan habang nasa sasakyan. Lumipat mula sa kaliwa si Lukas at nilapitan ang kasamang babae nito sabay umakbay. Nang na ipark na ng maayos ni Joey ang sasakyan, na isang ding bodyguard at driver ni Lucas ay nagpaalam na ang mga ito. "Paano vice este mayor, mauna na po kami." paalam ni Joey na kasalukuyang sumasakay sa kanyang motor na iniiwan niya sa garahe kapag may lakad sila nila Lukas. "Joey... joey..may makarinig sa yo. Hahaha. 'Wag muna, darating tayo dyan. Baka akala ng makakarinig eh masyado tayong kumpiyansa na mananalo tayo." sagot agad ni Lukas. "Eh dun na naman po talaga papunta yun vice, Haha." singit naman ni Cholo na nakasakay na din sa kanyang sariling motor. "Isa ka pa Cholo ha. Magsi-uwe na kayo at baka antukin pa 'tong babes ko. Hehe." tumatawang turan pa din ni Lukas kasabay nun ay niyugyog pa niya ng bahagya sa kanyang pagkakaakbay ang babaeng kasama. "Hahaha. Sige po vice, sama ko ng bente. Hahahaha." pahabol ni Joey na nag start na ng motor at tuluyan ng pinaandar, kasunod na din si Cholo na nagpaandar ng motor nito. Nakaantabay lang si Mang Carlos sa mga tauhan ni Lukas na makalabas upang isara muli ang gate. "Mang Carlos pasok na kami." paalam naman ni Lukas sa matanda ng makaalis na mga tauhan nito. Dalawang barangay lang ang pagitan ng bahay nila Lukas at ng Daddy niya kung saan ginanap ang kanilang pagpupulong pero kabisado na ni Cecille ang asawa na hindi agad ito umuuwe. Mag gu-goodtime pa ito kasama ng kanyang mga tauhan at pangkaraniwan na sa kanya ang makitang senaryo na may kasama itong babae sa pag uwe,gayundin si Mang Carlos. Kahit hindi lang iilang beses na niyang nasasaksihan ang garapalang pambababae ng asawa ay hindi pa din mawala sa kanya ang damdaming parang kinukurot ang puso niya. Alam niyang pagpasok ng mga ito ay sa guestroom ang tuloy ng mga ito at bago mag umaga ay nakalisan na ang babaeng kasama nito. Minsan na ding nakita ng kanilang nag iisang anak na si Karl na ngayon ay bente anyos na ang pagtataksil ng kanyang daddy sa mommy niya. Hindi niya alam ang sasabihin sa anak nung unang nagtanong ito tungkol sa nakita nito, sinabi na lang niyang hayaan na lang nila ang kanyang Daddy. May sapat ng isip si Karl nung una niyang makita ang Daddy niya na may kasamang ibang babae, pero dahil sa laki ng takot sa ama na saktan siya muli nito ay hindi niya din kaya itong kausapin tungkol duon at ngayong bente anyos na siya,gaya ng kanyang ina ay nagbulagbulagan na lamang sila subalit nakatanim sa puso nito ang lahat ng galit at kinikimkim na sama ng loob sa ama. Panganay na anak si Lukas ng dating mayor na si Juancho Valentin. Matagal nitong pinamunuan ang bayan ng San Isidro bilang mayor, magpapahinga lamang ito ng isang termino at tatakbo ulit ito at laging nananalo, hindi dahil sa maganda nitong pamumuno kundi dahil sa kakaiba nitong estilo. Madami itong ipinapangako sa kanyang nasasakupan sa tuwing sasapit ang eleksiyon, sa sampung pinapangako nito ay may isa naman itong natutupad. Dahil na din sa mga organisasyong binuo nito sa bawat barangay na nasasakupan ay madali nitong nakukuha ang boto ng mga kaanak nito lalo na kapag ito ay nagpawala na ng pera kapag malapit na mismo ang eleksiyon. Matulungin naman ito at mapagbigay din ng tulong pinansiyal na hindi alam ng karamihan na sa pondo din ng bayan kinukuha nito ang mga ibinibigay. Dahil sa may edad na ito,sa kanyang huling pag upo bilang mayor ay pinatakbo na niya si Lukas bilang isa sa kanyang mga konsehal. Dahil pinangarap pa din nito na hindi maputol ang pamumuno ng pamilya nila sa kanilang bayan. Matapos ang pagiging konsehal ay naging vice mayor ito at nagpaplano na sila ng mga taktika para sa pagtakbo nito bilang mayor. Dalawampung taon na si Karl, dalawampung taon ng nabubuhay sa impyerno si Cecille sa piling ni Lukas. Punung puno ng pagkukunwari ang kanilang pagsasama sa simulat simula pa. Sa harap ng mga nagiging bisita nila, sa mga kaanak nila at lalong lalo na sa araw ng mga pangangampanya. Kailangan nilang ipakita na sila ay isang huwarang pamilya -- na mahal nila ang isat isa, na sweet sila at nagtutulungan sa lahat ng bagay. Nasa politika ang kanyang asawa kaya't madalas ay may bisita sila na madalas ay siya ang humaharap. Nais na niya minsang mabagot at mainis at sabihin sa mga nagpupunta na bakit hindi nila ito sa munispyo puntahan at duon humingi ng tulong, minsan siyang nahuli ni Lukas na hindi nakangiti sa bisita ay nakatikim siya ng isang sampal dito pagkaalis ng mga taong humihingi ng tulong. Pagod na pagod na si Cecille pero nagpapatuloy pa din siya para sa kanyang anak at mga magulang na may edad na din dahil sa pamilya na lang ng kanyang asawa umaasa ang mga ito. Narinig ni Cecille na bumukas ang pinto ng guestroom tanda ng nakapanhik na ang asawa niya at ang kasama nitong babae. Dinukwang agad ni Cecille ang pinto ng kanilang kwarto upang habulin ng tingin ang bago na namang kasama ng kanyang asawa subalit nakapasok na ang mga ito at akmang isasara na ni Lukas ang pinto ang inabutan niyang makita sa kanyang pagkakasilip. Pabalik na muli si Cecille sa kanyang kama ng mapatingin siya sa salamin ng kanilang  tokador. Napahinto siya at napaupo habang nakatitig pa din sa salamin. Maaawa na naman ba siya sa sarili niya sa loob loob niya. Hinagod ng mga daliri ng kanyang kanang kamay ang buhok na lampas balikat, matapos ay hinawi iyon sa likod sa tulong ng kaliwang kamay niya para makita niya ng buo ang mukha. Hindi tumatanda ang kanyang mukha,makinis pa din ito at wala pang mga linya kahit siya ay kwarentay dos na. Palibahasa'y lagi siyang dinadala ni Lukas sa dermatologist, hindi para sa kanyang kapakanan kundi para sa mga taong bayan... para isipin ng mga tao na lagi niyang inaalagaan ang kanyang asawa at hindi ito binibigyan ng kunsimisyon at para sa pakikipag beso nito sa mga tao... upang laging makinis ang dumadampi sa mga pisngi na nakakadikit nito at hindi mapintasan ang kanyang asawa. Halos hindi nagbago ang kanyang mukha kahit dalawampung taon na ang nakalipas. Naalala niya tuloy ulit na siya lagi ang naiimbitihang mag reyna elena sa mga barrio nuon kapag may mha fiestahan o flores de mayo at muse naman kapag may mga pa liga ng basketball. Subalit nuon yun,naiisip niya hanggang kailan siya magpapanggap na masaya, hanggang kailan siya magkukunwari at itago ang totoong nilalaman ng puso niya. Pagbalik ng higaan ni Cecille ay nabalik ang isip niya sa asawa at sa kasama nitong babae. Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Ginagawa din kaya ng asawa niya sa mga babaeng naisasama nito ang mga ginagawang pambababoy sa kanya... lalo na kung ito ay nakainom. Pipilitin siyang buhayin ang pagkalalaki nito kahit sa anong paraan at kung hindi niya gagawin o hindi nito nagugustuhan ay sasaktan siya. Naalala niya tuloy ang unang gabi nila ni Lukas pagkatapos ng kanilang kasal. Kabado siya sa kanilang unang gabi. Hindi dahil sa wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik kundi dahil sa minsan na siyang nagkaroon ng karanasan at ikinatakot niya sa oras na ito'y matuklasan ni Lukas. "O mga pare tayo na lang natira sa mga bisita. Iwan na natin tong pare natin at baka hindi pa maka iskor to, hahahaha." sabi ng isang kainuman ni Lukas nung gabi pagkatapos ng kasal. "Pare, kayang kaya pa nito. Naka-reserve to pare. Haha." sagot naman ni Lukas. Tawanan ang lahat..Hindi naman nagtagal at nagpaalam na ang huling mga bisita ni Lukas. Nasa kanyang kama na si Cecille nung mga oras na yun. Naghihintay anu mang sandali ng mangyayari. "Honey buti gising ka pa akala ko hindi mo na ko hihintayin eh. Napasarap ang kwentuhan at inuman ng mga barkada ko kaya eto, pero okey pa naman ako honey." malambing na sabi ni Lukas habang ito ay naghuhubad ng puting t shirt na pinanloob sa barong nito. "O-okey lang honey." sagot ni Cecille. "Maligo lang ako honey, isang mabilis na paligo lang. Amoy sigarilyo at alak pa ko." halatang may pananabik sa boses ni Lukas sa pagkakasabi niya nun. Habang naliligo si Lukas ay iniisip ni Cecille kung ikakagalit ba ng asawa kung hindi na siya virgin. Importante pa kaya sa kanyang asawa ang virginity ng isang babae o aarte na lamang siya na nasasaktan siya para isipin nito na virgin pa siya. Alam kaya ng isang lalaki kung virgin pa o hindi na ang isang babae ang tanong din sa isip niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.9K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
52.1K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.5K
bc

Fight for my son's right

read
147.3K
bc

NINONG II

read
620.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook