"Mga putang-ina kayo! Bakit wala ang dalawang matanda roon?" galit na bulyaw ko sa taong kausap ko sa cellphone. Nakita ko pa si Mommy sa harapan ko na napahawak sa kanyang ulo. "W-Wala sila, Master X. Walang tao sa buong mansyon." "Putang-ina hanapin ninyo!" "Y-Yes, Master X." Nag-utos ako na kunin nila ang dalawang matanda sa bahay ng mga ito upang maging pain ko kay Fionah. Pero ang dalawang matanda ay hindi na matagpuan doon at mukhang tinakasan na nila ako matapos ko silang pagbantaan noong nakaraang araw. Akala ko pa naman ay natakot sila sa akin at hindi na maisip na tumakas. Ngunit mukhang pasaway ang dalawang matanda at malakas ang loob na tinakasan ako. "Halughugin ninyo ang buong bahay! Kapag hindi ninyo sila nakita ay kayo ang mananagot sa akin!" muli kong sigaw sa kabila