Inaayos ko ang mga libro papasok sa bag ko nang hapong iyon. Uwian na at nauna ng lumabas ang mga kaklase namin para makipag-unahan sa pag-abang ng taxi o jeep. Ang iba naman ay upang hintayin ang kani-kanilang sundo para makauwi na. Si Ziel ay nakita kong busy sa kanyang cellphone at panay tipa niya sa screen ng phone niya. Sinilip ko kung sino ang kausap niya at nakita kong si Nico ito. Hindi ko na pinagkakaabalahan tingnan ang mensahe na naroon dahil alam ko naman na inuman na naman ang aatupagin ng mga ito pagkauwi sa bahay. Nakasimangot na isinara ko ang aking bag nang makita kong busy pa rin sa cellphone niya si Ziel. Kami na lang ang naiwan dito sa loob ng silid-aralan at wala man lang yata siyang balak mag-ayos ng gamit niya para makauwi na kami. I decided to leave him. Mag-cel