Hindi hinimatay si Fionah nang sumpungin siya ng kaniyang sakit ng ulo nang manggaling kami ng Batangas. I'm glad nalampasan niya ito kahit hirap na hirap siya habang sapo ang kanyang ulo. Tapos pangalan ko pa ang paulit-ulit niyang tinatawag kaya alalang-alala ako. Wala akong nagawa para sa kanya para ibsan ang sakit, kundi ang aluin lang siya at sabihing magiging maayos din siya kapag kinalma niya ang kanyang sarili. Basta ba kumapit lang siya at magtiwala sa Diyos na babalik pa ang lahat ng nabura niyang alaala. She just cried and cried while holding my hand. Akala ko hindi na titigil ang sakit ng kaniyang ulo ngunit sa awa ng Diyos ay bumuti rin ang kaniyang lagay. Sobra ang takot ko ng mga oras na 'yon. Dahil bukod sa hindi ko alam ang aking gagawin. Malayo pa kami sa bayan at ospi