KENN POV. Gusto kong suntukin ang aking bayaw na si Josh Montemayor sa pagsasabi nito sa aking anak tungkol sa akin trabaho. Bakit kailangang ipaalam niya ang bagay na ‘yon, nagkaroon tuloy ako ng isipin ngayon pa na may malaking mission akong kinakaharap. “Pare, huwag mo munang masyadong isipin ang pamilya mo, kailangan nating mag focus dahil ayon sa spy ay may isang grupo raw na lulusob sa mission natin at sangay raw ng gobyerno ang mga ‘yon.” “Mabuti naman pala kung gano’n at least may makakatulong pala sa atin sa pagbuwag ng malaking gurpong ‘yon. Kung noon ay nakaligtas ang pinuno nila, dapat sa pagkakataong ito ay tuluyan nang mahuli at mabura ang kasamaan nila.” Sabay pa silang napatingin sa cellphone na nakapatong sa table nang mag ring iyon. “Ikaw na ang sumagot, siguradong

