SOPPY POV. Nagising ako sa boses ng dalawa kong anak. “Good morning po mommy,” sabay halik nila sa magkabila kong pisngi. “Si Daddy n’yo nasaan?” “Hindi po namin nakita si Daddy, paggising namin ay wala na siya.” Kitang kita ko ang lungkot sa mukha ng dalawang anak ko. Nang bigla akong napabalikwas ng bangon at kinabahan sa kakaibang nararamdaman ngayon, pumasok sa aking isipan ang mga katagang binitiwan ng aking asawa kagabi. Kaya minabuti kong tumawag sa reception. “Anong oras lumabas ang asawa ko?” “Ma'am, hindi po namin napansing lumabas ng resorts.” Sa aking narinig ay agad kong ibinaba ang telephone at tinawagan ang cctv room staff. Ngunit walang nakita roon kaya lahat ng resort guard ay inutusan kong hanapin ang aking asawa. Pati na ang mga personal body guard ko ay aking pina

