KENN POV. Pagdating naming ng aking asawa sa mansion Montemayor ay hindi ako nagpahalata na kilala ko na si Hector. Kahit ang asawa kong si Samantha ay dedma sa mga nalaman nito, ngunit napansin ko ang lagi nitong pagdikit sa anak na si Queeny. Hindi man siya nagsasalita ay alam kong nakakaramdam na ito ng takot na anumang oras ay maaaring mawala na si Queeny sa mga Montemayor. “Babe Samantha, doon muna ako sa labas at may kukunin lang sa kotse ko.” “Okay sige, take your time.” Kahit alam kong galit sa akin ang aking asawa ay nagpapasalamat pa rin ako dahil maayos ang pakikitungo niya sa akin. Kagaya na lang ngayon, napaka polite pa kung sumagot kaya naman mas lalo ko pa itong minamahal. Natanawan ko si Hector na pinupunasan nito ang sasakyan ng aking asawa kaya nilapitan ko ito. “Ku

