KENN POV. “Are you happy now?” “Saan naman?” “Huwag kang mag kunwari na walang alam dahil ikaw ang may pakana sa nangyari!” “Bakit nagseselos ka dahil ba siguradong ang babaeng ‘yon ang pakakasalan ni Kuya?” Subalit hindi ko inaasahan na sampal ang naging sagot niyang tumama sa aking mukha, sa puntong ‘yon ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at malakas ko siyang sinipa. Ang mga ginawa niya sa akin noon na halos naging sanhi nang pagkasira namin ng kakambal ko at ang mga sakit na dulot niya ay biglang nanariwa. Hindi pa ako na-kontento ay malakas ko pa siyang sinuntok at kung hindi ako inawat ng kakambal ko ay baka napatay ko ang babaeng ito. “Enough!” “Kulang na kulang pa ‘yan sa ginawa niya sa akin at alam mo ‘yon kuya! Ang akala mo siguro ay napaniwala ninyo ako na hindi siy

