Comfortable jeans and sweater is my outfit the next morning. Sinadya kong magsuot ng balot na balot na damit para hindi kita ang mga sugat ko. Buti na lang at medyo hindi rin maganda ang panahon at mukhang uulan pa mayamaya kaya hindi na weird tingnan. "Sigurado ka bang papasok ka?" Sigurado rin ako na pang-limang beses niya ng naitanong sa akin iyan ngayong umaga. Nangingiti si daddy sa gilid pero kita ko rin sa mata niya ang pag-aalala. Ngumiwi ako sa sakit nang tumama ang sugat ko sa may hita sa paa ng mesa. Damn. "Ako na ang mag-e-excuse--" "Mom," pigil ko. "Ayaw kong may ma-miss na class. Saka isa pa, uupo lang naman ako roon. Hindi naman ako tatakbo o magsasayaw. Promise, I can manage." Nagtinginan silang dalawa, tila tinatantiya kung ano ba ang dapat gawin. I made up my mind t

