Hindi ko alam kung anong sumanib sa kasama ko ngayon pero I swear ibang-iba siya ngayon. Is he in a good mood or what? "Carbonara na lang sa akin." He ordered for the both of us. Ako naman ay naghanap ng pwesto naming dalawa. It's still early for dinner pero p'wede a rin. Habang hinihintay siya ay bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Pagkatapos ng ginawa niyang paghawak sa buhok ko ay dumiretso kami sa bilihan ng relo. He really did buy a watch for Justin. May punto naman siya sa sinabi niya kanina, na ang best gift ay yung alam mong gusto ng isang tao pero hindi niya binibili o hindi niya magawang bilhin para sa sarili niya. But my mind is preoccupied of something. Hindi yata maganda ang ideya na maging mas mapalapit pa sa kanya para maituring ko siya na parang kaibigan lang ta

