Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, kung ano ang uunahing isipin. Basta ang alam ko ay wala akong nagawa ngayon dahil sa sinabi ni Gino kanina. Ayos na yung sinabi niya, eh, pero bakit ngumisi pa siya? It was as if he's having fun with it. It was as if he's happy with it. Ayaw ko na mag-assume. No, Francheska, hindi na tayo mag-a-assume. Si Gino? Magkakagusto sa'yo? Imposible. Does he like me now? I shook my head immediately after that thought. Baka mauna pang maging square ang mundo bago mangyari iyon. Baka nasabi niya lang iyon dahil gustong-gusto ako ni Xan, o baka biro niya lang pero masyado kong sineseryoso? I was running late the next morning. Ni hindi na ako nakapag-breakfast dahil sa mga gumugulo sa isip ko kagabi. Hinihingal akong

