Chapter 47 Lying Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang singsing sa kulay pula na box. Sobrang nangungulila ako kay Sebe. Sobrang kailangan siya ng sistema at katawan ko. Hindi birong adjustment ang ginawa ko masanay lang na wala siya. Kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. Patuloy ang buhay ko na wala siya. Kaya ko na kami lang nang anak ko. Binalik ko sa drawer ang box nang singsing. Simula nung umalis ako,hindi ko na iyon sinusuot. Lumipas pa ang dalawang buwan at sa susunod na buwan ay manganganak na ako. Mahirap man pero kinaya ko. Hindi ako nagambala sa huling sinabi ni Kylie sa akin na alam na ni Sebe kung saan ako. Dahil wala naman akong maramdaman na kakaiba.

