Nagmamadali si Jada sa kaniyang ginagawa, malapit nang magising si Justin, kaya mabilis na hinanger niya ang kaniyang mga nilabhan para pahanginan ng konti, tuyo na naman ang mga ito paglabas ng washing machine, kaya lang ay medyo malamig pa. Habang abala siya ay hindi niya namalayan na may nakapasok pala sa loob ng kanilang pamamahay. Nakuha ni Sabina ang remote key ng gate nila Jada sa bag ni Jacob kahapon at nalaman din niya ang passcode ng pintuan ng bahay ng mga ito dahil nakita niyang naka-save iyon sa notes sa cellphone ni Jacob. Malaya siyang nakapasok sa loob ng bahay at hinanap niya agad si Jada. Nang hindi niya ito makita sa kusina ay agad siyang dumiretso sa second floor at pinuntahan ang masters bedroom. Wala roon si Jada, ngunit nakita naman niya ang anak nitong si Justin