"Are you ready?" tanong ni Sabina kay Jacob. Inayos niya sa pagkakabutones ang suot na polo nito. Tumango naman ang abogado. "Yes," matipid na sagot nito. Ngayon ang araw na magpa-file ng candidacy si Jacob bilang alkalde ng kanilang lalawigan, todo ang suporta ni Sabina sa kaniyang itinuturing na asawa. Ngayon na biyudo na si Jacob ay tanggap na siya ng mga magulang ni Sabina at suportado rin ng ama nito ang pagpasok sa politika ng abogado. Maaga palang ay umalis na sila patungong munisipyo. Naging matagumapay naman ang application ni Jacob, walang naging problema sa mga papeles na ipinasa niya at qualified siya sa posisyon na kaniyang gustong makamit—ang maging mayor ng kanilang bayan. Ang sabi ng mga kalabang kampo ay masyado pa raw maaga para tumakbo si Jacob sa mataas na posisyo