Pagpasok pa lang ni Jada sa kaniyang opisina ay bumungad na sa kaniya ang pumpon ng mga bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Hindi naman sa ayaw niya sa mga bulaklak. Sino ba namang babae ang hindi gugustuhin na makatanggap ng bulaklak buhat sa isang lalaki? Ang sa kaniya lang ay sana tigilan na ni Jacob ang pagpapadala sa kaniya ng mga ito araw-araw. Simula ng maghiwalay sila ay hindi pa ito pumapalya ng pagpapadala ng bulaklak sa kaniyang opisina. Hindi rin naman biro ang halaga ng mga iyon. Sinabihan na niya noon pa si Jacob na huwag na siyang padalhan ng mga bulaklak dahil sayang lang ang pera nito, pero sadyang makulit ang kaniyang asawa. Itinabi niya ang bulaklak sa pinakagilid ng lamesa para maipatong ang kaniyang laptop at makapagsimula na sa kaniyang trabaho. L