"Gosh! I thought I was going to enjoy that break, but that turned out to be the worst vacation ever," reklamo ni Sabina. Kauuwi lang niya galing sa bakasyon kasama si Jacob at ang anak nito. Ibinagsak niya ang patang katawan sa malambot niyang kama. Hindi niya lubos na maisip na sa dalawang araw nila sa kanilang resthouse ay wala siyang ginawa kung hindi ang magbantay at mag-alaga ng bata. Buong araw siyang pagod kahahabol kay Justin. Hindi man lang niya na-enjoy na kasama si Jacob. Para siyang maid na nag-aasikaso sa pangangailangan ng mag-ama. Bilib din siya kay Jada dahil nakakaya nito ang ganuong mga gawain. Hindi pala madali ang maging isang housewife. Kaya nga ba ayaw niyang mag-asawa at lumagay sa tahimik dahil ayaw niya ng responsibilidad, pero kahit na ganu'n ay gusto pa rin niya