"Sir, Miss Jada is still not here." "What?! I thought she was on her way. She's supposed to be there, and it's been more than ten minutes. Didn't you try calling her again?" "I did, Sir, but her phone just keeps ringing, and no one is answering." Labis ang pag-aalala na naramdaman ni Caleb. Ang huling update sa kaniya ng kaniyang tauhan ay parating na si Jada. Kinuha kasi niya ito upang mag-design ng kanilang show room para sa promotion ng kanilang bagong online business. Ang totoo ay hindi alam ni Jada na siya ang may-ari niyon. Gusto lang niyang makatulong dito, kaya imbes na maghanap pa ang mga tao niya ng interior designer ay si Jada na ang nirekomenda niya sa mga ito. Ang problema ngayon na nagpapabagabag sa kaniya ay kung bakit hindi pa ito dumarating, samantalang nang huling upda