"Bakit ba ang tagal mo? Maiiwanan na tayo ng eroplano." inis na sabi ni Kelly, ilang minuto na lang ay lilipad na ang eroplanong sasakyan nila papunta sa San Rafael. "Sorry na-traffic ako," tugon ni Jada, hatak-hatak niya ang kaniyang maleta na nakasunod kay Kelly. "Sorry-sorry!Tsk!Kung umalis ka nang maaga kahit ma-traffic ka ay hindi ka male-late. Ewan ko sa'yo Jada! Sa dami naman kasi ng puwedeng piliin ni Sabina na maka-partner ko sa project na ito ay ikaw pa talaga ang pinili niya, nakakainis!" Hindi na lang pinansin ni Jada ang mga pinagsasabi ni Kelly. Hinayaan na lang niya ito na magda-daldal. Nang sumakay na sila ng eroplano ay nagpasalamat siya dahil hindi ito ang katabi niya. Kahit dalawang oras lang naman ang biyahe ay hindi niya matatagalan na makatabi sa upuan si Kelly. N