Sinadya ni Sabina na lasingin pa ng husto si Jacob. Bago siya lumapit sa abogado ay planado na ang kaniyang mga gagawin. Ilang araw na rin niyang sinusundan si Jacob at humahanap lamang siya ng magandang timing para maumpisahan na niya ang planong makapasok sa buhay nito at nagtagumpay naman siya. Nang gabing iyon ay kinuha niya ang loob ni Jacob. Unti-unti itong nagkuwento sa kaniya tungkol kay Jada at sa estado ng relasyon nila ngayon. Nadama niya ang pangungulila nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang kalungkutan. Nakaramdam siya ng simpatiya rito. Nang gabing iyon ay inuwi niya ang abogado sa kaniyang bahay. Sa kakasunod niya rito ay alam na niya kung saan ito nakatira ngunit hindi niya ito hinatid sa bahay nito. Nagpatulong siya sa kaniyang mga kasambahay na iakyat si Jacob sa