Hindi mapakali si Dahlia habang tinitingnan ang kaniyang sarili sa whole body size mirror. Nakasuot siya ng one shoulder bodycon dress na kulay black. Hapit na hapit sa katawan niya ang damit kaya naman kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito sa damit na iyon. "Sa tingin mo Jada, okay lang ba itong damit na 'to? Hindi ba masyadong revealing?" nag-aalangang tanong niya sa kaibigan. Umiling si Jada. " Hindi naman, ang ganda-ganda mo nga ngayon sa damit na 'yan. Minsan ka lang magsuot ng mga ganiyan kaseksi na damit bakit hindi mo kaya panay-panayin para naman makahanap ka na ng boyfriend? Lagi ka na lang kasing naka jeans at loose shirt kaya walang nanliligaw sa'yo, dahil ang akala nila ay one of the boys ka, " pambubuska ni Jada sa kaibigan. "Huh! For Caleb's eyes only lang 'to.