Dahil hindi mapakali at gustong makibalita ni Sabina ay pinabalikan niya sa mga tauhan niya ang lugar kung saan naganap ang aksidente ni Jada. Hindi nakita ang katawan nito. Wala ring nag-report ng kaso tungkol sa aksidente na nangyari sa lugar na iyon. Pumabor sa kaniya ng malaki ang sitwasyon, naging madali na para sa kaniya na gawan ng kasinungalingan ang naganap kay Jada. Pinalabas niyang patay na ito, naghanap sila ng bangkay na walang nagki-claim na kamag-anak na sasakto sa description ni Jada at madali naman silang nakakita. Umimbento na lamang siya ng kuwento at kinasabwat ang ilang mga tao para mapaniwala si Jacob na namatay si Jada sa isang aksidente ng masagasaan ito ng truck. Hindi naman naghinala si Jacob, wala siyang napansin na kakaiba sa bangkay lalo pa at sinabing nasir