"Excuse me, puwede bang maupo muna ako sandali?" Hindi na hinintay pa ni Dahlia na sumagot si Steve. Namimintig na ang mga binti niya dahil sa matagal na pagkakatayo. Nakita niya ang bean bag sa pinakdulo ng yate kaya doon siya nagtungo. Hindi siya sanay na nagsusuot ng sapatos na may mataas na takong kaya madali siyang mapagod. Madalas sa opisina ay naka-rubber shoes lang siya, komportable kasi sa paa at walang hussle. "Hay, sa wakas, nakapahinga rin. Ang sakit ng mga paa at binti ko," sabi niya. Hindi na niya natiis, hinubad niya ang suot na sapatos para maipahinga ang kaniyang mga paa, itinabi niya iyon sa gilid ng bean bag at pagkatapos ay hinilot niya ang kaniyang mga binti. Hindi niya namalayan na sumunod pala sa kaniya si Steve. Namangha ang binata, hindi ito makapaniwala na napa