Sa kabila ng mga nangyari ay pinilit pa rin ni Jada na gawing normal ang buhay niya. Kinabukasan ay bumalik na siya sa trabaho. Iniwan niya sa pangangalaga ni Heidee si Justin. Sabay na silang pumasok ni Dahlia sa opisina. "Kapag sinuswerte ka nga naman," inis na sabi ni Dahlia, pagsakay kasi nila ni Jada sa elevator ay hindi nila inaasahan na nasa loob niyon si Kelly. Sumara na ang pinto at hindi na nila nagawa pang makalabas. Tumaas ang kilay ni Kelly. Masama ang tingin nito kina Jada at Dahlia. Humalukipkip ito at tinitigan ang magkaibigan. Tinangka ng dalawa na deadmahin ito at magpanggap na walang nakita. Sa lahat ng katrabaho nila ay si Kelly lang talaga ang bukod tanging hindi nila kasundo. "Iniisip ko lang kung bakit parang iniiwasan ninyo akong dalawa? Hanggang ngayon ba ay i