Ilang araw na rin ang nakalilipas at nakikita ni Jada ang unti-unting pagbabago kay Jacob. Hindi man ito ang dating Jacob na minahal niya, ngunit nararamdaman naman niya na pursigido itong tuparin ang pangako nito sa kaniya na magbabago na. Alas singko 'y medya palang ng hapon ay nasa bahay na ito at maagang umuwi galing trabaho. "Huwag ka nang magluto, sa labas na lang tayo kumain ngayon," sabi nito nang madatnan siyang naghahanda na sanang maglagay ng bigas sa rice cooker ngunit hindi na niya itinuloy. "Sige na, bihisan mo na muna si Justin at ako na ang bahalang magbantay sa kaniya para makapagbihis ka na rin," dagdag na sabi pa nito. Ngumiti siya sabay tango. Inayos muna niya ang mga kalat sa kusina at ibinalik ang rice cooker kung saan niya ito kinuha kanina. Hinintay siya ni Jac