Chapter ninety four MAXINE’S POV’S Ang tagal kong nakikinig dito habang hawak hawak yung basura namin sa kusina, pinapangaralan ng kanyang ina si Clara. May point naman yung sinasabi ng mama niya kaso, kailangan talagang ipilit ang nakakabuti kahit na hindi sila masaya na gawin iyon? Ano nga ba ang dapat gawin at piliin? Kung ano ang nararapat at tama? O ang makakapagpasaya sa inyo? Ano ba sa tingin niyo ang kailangan piliin? Umiiyak na si Clara sa harapan ng kanyang ina, naaawa tuloy ako dahil parang nasasakal na siya sa mga desisyon para sa kanya, hindi na siya yung nagdedesisyon para sa kanyang sarili. Kung nasa tamang edad ka naman na, at may kakayahan ka na ring mamuhay at magdesisyon para sa sarili mo, edi go lang, kaso sa panahon nila ngayon talagang mas masusunod ang mga naka