Chapter forty nine MAXINE’S POV’S Napalingon ako kay Kaleb dahil sa tanong sa akin ni Lucas. “ Hindi mo ko kilala?” “ Hindi.” Agad na sagot sa akin ni Lucas. Parang nalulusaw ang puso ko sa sinasabi sa akin ni Lucas, gusto kong umiyak pero hindi ko pwedeng gawin yun. “ Sino ka ba?” tanong niya ulit sa akin. “ Kaleb.” Banggit ko kaso hindi rin umiimik si Kaleb, bakit hindi niya ako nakikilala? “ Anong nangyayari?” “ Hindi ko alam Maxine.” Ang seryoso ng boses ni Kaleb. “ Kaibigan mob a siya Kaleb?” “ Oo.” “ Ipakilala mo siya sa akin.” “ Siya si Maxine si Lucas.” “ Maxine, napakagandang pangalan.” Nakikinig lang ako sa usapan nila, totoo ba to? O nananaginip lang ako? Siguro nga panaginip lang to baka tulog pa ako. Kaso pagkatingin ko ulit kay Lucas at Kaleb nakatitig silang