Kabanata VI

2087 Words
Chapter six LUCAS POV’S Nakaramdam ako ng init sa dumadampi sa aking buong katawan kaya naimulat ko ng bahagya ang aking mga mata. Napakaliwanag, bakit ang lapit ko sa araw? Nilibot ko ng tingin ang buong paligid, ang akala ko ay nasa silid ako kaso bakit nasa labas ako? Nasa ilalim ng malaking puno. Napatingin ako sa aking kasama, narito rin si Kaleb natutulog ng mahimping sa may gilid ko. Inaalala ko ang mga nangyari bago kami natulog, nasa ibang lugar parin kami, ang akala ko maibabalik na kami sa dati naming lugar pag gising namin kaso mukhang hindi kami nananaginip. Iba parin ang lugar na ito sa nakalakihan ko. “ Gising ka nap ala Lucas.” “ Kamumulat ng aking mga mata kapatid.” “ Narito parin tayo?” “ Hindi ko rin batid kung bakit hindi pa tayo bumabalik sa dati nating lugar.” “ Ibig bang sabihin nito, hindi panaginip na nakita natin si Clara kagabi?” “ Mukang ganun na nga.” Masakit para sa akin ang hindi maalala ng mahal ko, nakakalungkot pero kailangan ko siyang makita upang maipaliwanag sa kanya lahat ng nangyari sa amin, pati na rin ang tungkol sa mga magulang niya na nalimot na niya. “ Nagugutom na ako Lucas, mamamatay tayo sa gutom kapag hindi tayo nakakain.” “ Kagabi pa walang laman ang tiyan natin.” “ Tayo na at maghanap ng makakainan.” Pareho kami ni Kaleb na nakaramdam ng hapti sa tiyan kaya naghanap kami ng makakainan, mabuti na lamang may dala akong pera sa aking bulsa, makakakain kami ni Kaleb ng maayos. Nakakita kami ng mga kakaibang gamit pangluto sa isang munting kubo “ Mukhang maari tayong kumain doon Lucas.” Lumapit kami sa munting kubo upang makakain, kakaiba ang kanilang lugar maski ang mga ginagamit pati na rin ang mga putaheng narito. “ Anong sa inyo?” tanong ng matandang babae na nasa harapan ng isang malaking lamesa “ Maari po ba kaming kumain dito?” tanong ko “ Malamang naman karindirya to, ano bang order niyo?” Nagtinginan kami ni Kaleb dahil sa inasal ng matandang babae sa harapan namin ngayon “ Gusto ko po nito” “ Maari rin ba akong kumuha nito?” turo ko sa isnag putahe na mukhang masarap “ Napakagalang niyo naman magsalita” sabi ng matanda habang naghahanda siya ng makakain “ Oh ayan” abot niya sa aming pagkain “ Bayad niyo?” nakalahad ang kanyang palad upang kunin ang ipambabayad namin sa aming pagkain. Tinignan ako ni Kaleb, huwag ka mag alala kapatid may pang babayad tayo sa kanya, kinuha ko ang mga salapi sa aking bulsa upang may maibigay sa matandang babae. “ Heto po.” “ Ano to?” “ Pera po yan.” “ Alam ko, pero bakit ganito?” “ Pangbayad po namin.” “ Pinagloloko niyo ba akong dalawa? Lumang pera ito? Anong halaga nito ngayon?” “ Malaki po ang halaga niyan kaya tanggapin niyo kapalit ng pagkain namin.” “ Mga manloloko pala tong mga to, lumayas nga kayo dito! Hindi kayo nagbabayad ng maayos!” May mga kasama siyang lalake at kinuha ang aming mga pagkain na inihain ng matandang babae kanina, pinagtitinginan na kami ngayon dahil iba na ang tono ng boses ng matandang babae. “ Umalis na tayo Lucas mukhang hindi nila tayo gusto dito.” “ Halika na kapatid.” Nawala ang aming gutom ng itaboy kami ng mga tao sa pinuntahan namin kanina, bakit ganito ang nangyayari sa amin? Pati ang ibang tao iba ang tingin sa amin. “ Bakit kase hindi pa tayo makabalik sa dati nating lugar.” “ Kahit ikaw na lang ang bumalik Kaleb, kailangan ako ni Clara sa lugar na ito, mukhang malulupit ang mga tao dito, walang magtatanggol sa mahal ko.” “ Hindi ko naman alam kung paano makakaalis dito Lucas.” Tiniis na lang namin ang gutom at umupo kami sa may lilim, tirik ang araw kaya hindi kami makapaglakad ni Kaleb upang hanapin si Clara. May humintong isang magarbong sasakyan sa harapan namin habang kami ay nakaupo. “ Here” may iniaabot na maliit na kahon ang babaeng lulan nito “ Take this” Lumapit si Kaleb upang kunin ito at mabilis na umalis ang magarbong sasakyan “ Ano naman kaya ito Lucas?” “ Tignan mong mabuti” “ Pagkain!” “ Pero mukhang mga natirang pagkain na lang nila yan kapatid.” Bakit ganito ang lugar na kinabibilangan namin ngayon, parang napakalupit ng mga taong nakakasalamuha namin dito. Tao rin naman kami kagaya nila, ngunit ang trato sa amin ngayon ay parang hayop. Nakakalungkot dahil ibang iba ito sa nakalakihan ko, mababait at nagtutulungan ang mga taong nasa paligid ko. Pero bakit ganito sa lugar na ito? Kaya ba nawala ang ala ala ni Clara ay dahil sa mga taong narito? “ Wala tayong ibang makain Lucas, tanging itong binigay sa atin ang makakain natin ngayon.” Pinagsaluhan namin ni Kaleb ang tirang pagkain na binigay sa amin kanina ng babaeng lulan ng isang magarbong sasakyan. “ Makakaalis din tayo dito Lucas.” “ Hindi ako maaaring umalis dito kapatid ng hindi kasama si Clara.” “ Ngunit hindi naman na niya tayo nakikilala Lucas, paano natin siya maibabalik sa dati?” “ Hindi ko rin alam paano siya maibabalik sa dati, pero hindi ako susuko sa kanya, hahanapin ko siya dito sa lugar na ito lalo pa at nalaman kong narito lang siya sa paligid.” “ Saan naman natin uumpisahang hanapin si Clara?” “ Ang pagmamahal ko sa kanya ang magtuturo kung nasaan siya.” Hindi ako susuko, siguro may rason kung bakit narito kami ni Clara sa mundong ito kaya kailangan kong alamin kung bakit kami dito dinala ng panahon. ****** MAXINE’S POV’S Natatakot akong lumabas ngayon, kaya pasilip silip na lamang ako dito sa likod ng pinto baka kase may mga baliw nanaman akong makasalubong. May part time nanaman ako ngayon sa isang fast food kaya kailangan maaga ako doon, hindi lang kase ako nakaalis agad dahil nag iingat ako. Nagmadali na  akong pumunta sa papasukan kong trabaho. Maaga ang uwi ko mamaya kaya naman maaari kong dalawin si Dylan. Nasa harapan ako ng counter at nagrereceive ng order ng mga customer ng may napansin akong pamilyar na lalake. Teka? Yun yung  mga baliw! Nasa labas sila ng fast food na pinagtatrabahuan ko ngayon, bakit sila nandito? Talaga bang sinusundan nila ako? Kainis naman! Hindi pa man din ako pwedeng magtago dito dahil mag isa ko lang na cashier at napakaraming customer na nakapila. Mukhang papasok pa sila dito. Huwag naman sana, huwag kayong papasok nakikiusap ako, diyan na lang kayo sa labas. “ Miss? Ano na?” “ Po?” lagot naaabala pati trabaho ko ngayon, hindi ako makaconcentrate “ Maxine anong ginagawa mo?” tanong sa akin ng manager “ Aayusin ko na po trabaho ko.” “ Dapat lang, napakaraming customer oh.” Hindi ko maiwasan mapatingin sa labas kung papasok ba yung dalawang baliw na nakasalubong ko kagabi. Ang hirap talaga ng lagay ko dahil inaalala ko kapag nakita nila ako ay magkaeskandalo dito, part time ko pa man din ito, baka hindi na nila ako kunin kapag nangyari yun. Ayan na papasok nga sila. Sisigaw sana ako ng huwag pero binuksan ng gwardya yung pinto, nako po ayan na sila palingon lingon sa paligid at akala mo ngayon lang nakapasok dito. Imposible naman yun dahil ang tatanda na nila ngayon lang sila papasok dito? Nagfocus na lamang ako sa trabaho ko. Huwag kang lilingon Maxine kung hindi mapapansin ka nila, pero imposibleng hindi nila ako mapansin dito dahil ako lang ang nag iisang cashier dito. Napatingin tuloy ako sa kanilang dalawa at tinititigan na nila ako ngayon, sabi na nga ba eh makikilala nila ako. Kumaway pa yung isa sa akin pero hindi ko ito pinansin. Nasa tabi ko pa man din yung manager at takang taka siya kung bakit hindi ko pinapansin yung kumakaway sa akin. “ Kakilala mo ba ang mga yun?” “ Hindi po” “ Alangan naman ako ang kinakawayan?” tanong niya sa sarili niya Gusto ko na umalis dito, natataranta na ako baka kung ano pang gawin nila at sabihin mapapahiya ako ang dami pa man ding tao. Mukhang hindi naman sila gagawa ng eskandalo at nakatayo lang sila sa sulok habang nakatingin sa akin. Okay, hinga ng malalim Maxine kunwari hindi mo sila nakikita, magfocus ka sa trabaho mo dahil baka hindi na ito maulit. Halos isang oras na silang nakatayo kaya nilapitan na sila ng gwardya at kinausap. Tinuturo nila ako kaya nanlaki ang mata ko, nakatingin lahat ng staff sa kanila dahil kakaiba ang itsura nila. Nilapitan ako ng gwardya ng ituro ako ng isa sa mga baliw na yun. “ Kamag anak mo ba yun?” tanong sa akin ng gwardya “ Hindi ko sila kilala.” “ Pero hinihintay ka nila.” “ Huh?” lagot na, hindi nga sila nanggulo pero hinihintay nila akong umalis dito, modus talaga nila ito at baka balak nila akong dukutin? “ Manong hindi ko sila kilala, bakit nila ako hinihintay?” “ Ibig sabihin mga manloloko sila?” “ Tumawag na po kayo ng pulis, baka mamaya ay mga masasamang loob sila.” “ Sige, ako na bahala dito.” Mukhang tatawagan ng gwardya ang mga pulis upang dukutin ang dalawang taong ito, hindi ko naman sila kilala pero hinihintay nila ako Nakakatakot na. Mga ilang minuto pa ay may mga pulis na pumasok dito sa loob ng fast food at kinausap sila, hindi ko masyadong marinig ang usapan nila pero pinipilit silang umalis dito sa loob. Nakatingin sa akin yung isang lalake, yung pinakapogi sa kanilang dalawa Biglang umiba ang pakiramdam ko sa mga titig niya, para akong naawa dahil hinihila silang dalawa ng pulis palabas. Bakit ganito? Nakokonsensya ako at naaawa, hindi parin inaalis nung lalake yung titig niya sa akin. Parang gusto ko silang lapitan Huwag Maxine, ito naman talaga ang gusto mo diba? Ang mailayo sila sayo dahil mga masasamang tao ang mga yan at baka may balak na masama sa akin. Kainis, bakit nakakaramdam naman ako ngayon ng awa? Nakalabas na sila ng fast food at mukhang dadalhin sila ng mga pulis, bigla talaga akong nakonsensya kaya napatakbo ako para habulin sila. “ Teka!” sigaw ko kaya napahinto silang lahat “ Kilala ko sila.” “ Akala ko ba hindi mo sila kilala?” tanong sa akin ng gwardya “ Kase po ang daming customer kanina kaya hindi ko sila napansin.” Lumapit ako sa dalawang lalake na hawak hawak ng mga pulis, nakatingin sa akin yung gwapong lalake at halatang natuwa siya ng lapitan ko sila. “ Ako na po bahala sa kanila.” hinila ko yung dalawang lalake at inilayo doon. Takang taka ang mga pulis sa ginawa ko kaya inilayo ko sila agad, baka kung ano pang gawin sa kanila kaya nakonsensya ako. “ Clara!” “ Umalis na kayo dito.” Yung mga mukha nila hindi naman halatang masamang loob, sabi ko nga pogi itong isa at itong isa naman may itsura din. Kaso hindi ko sila kilala kaya napagkakamalan kong mga masasamang tao, tinatawag pa nila akong Clara. Hays, ewan ko ba sa sarili ko bakit ako nakonsensya. “ Bakit mo kami pinapaalis? Kailangan mo na ring umuwi sa atin.” “ Pwede ba? Hindi ko naman talaga kayo kilala, Maxine ang pangalan ko at hindi Clara.” “ Pero Clara---“ “ Hep! Itigil mo na yang kakatawag mo ng Clara, ipapakuha kita sa pulis sige.” Panakot ko “ Ang mga gwardya sibil niyo dito ay kakaiba ang suot.” “ Tama ka Lucas.” Lucas? Yun ang pangalan ng poging lalakeng to? nalilito na ako sa kanilang dalawa, hindi ko mawari kung baliw ba sila o mga masasamang tao na may binabalak sa akin. Pero naalala ko, kung may masama nga silang balak sa akin edi sana kagabi pa nila ginawa yun? Yan ang nasa isipan ko kaya naman hinabol ko silang dalawa. Nabibigla ako sa mga desisyon ko, ako na ang gumawa ng eskandalo hindi sila, nagpapunta ako ng pulis pero pinaalis ko rin lang. Hays, Maxine ano bang nangyayari sayo. Yung titig nitong lalake kanina kakaiba, tinatamaan ako ng kakaibang pakiramdam at nakokonsensya, hindi naman ako ganito sa ibang tao lalo sa mga hindi ko kakilala pero bakit siya? Ganun na lang kabilis umepekto ng awa ko sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD