Chapter fifty seven KALEB’S POV’S Napakasarap ng hapunan namin ngayon, marami kaseng binili si Lucas na makakain kaya naman lahat ng napapanuod ko sa napakagandang cellphone na sinasabi nila ay ginagaya ko. Kapag naiuwi ko to sa amin siguradong matutuwa ang iba kong kaibigan lalo sila ina at ama. “ Oh nariyan nap ala kayo.” Ang saya saya ko ng dumating na sila Lucas at Maxine ngunit ng makita kong magkahawak kamay silang dalawa. “ Anong ibig sabihin niyan?” turo ko sa kanilang kamay. “ Magbihis ka na charm ko, naulanan tayo pareho.” Sabi ni Lucas kay Maxine. Ito namang Maxine todo ngiti habang papasok sa kwarto, hindi nila sinagot ang katanungan ko, aba? Ano yung nakita ko? “ Lucas, anong nangyayari sa inyo ni Maxine.” “ Kami na ni Maxine.” “ Ha!” napasigaw ako agad. Hindi agad a