Chapter one hundred six MAXINE’S POV’S Naikwento na sa akin lahat ni Lucas ang nangyari, matagal na pala niyang inililihim ang lahat ng plano niya, pati na rin ang tungkol sa akin. Ang daya, dapat sinabi niya yun para naman matulungan ko siya. Kaso, ano naman itutulong ko? Malas ako palagi baka malasin lang si Clara kapag tumulong ako, di bale na basta ang mahalaga ay masaya na ngayon si Clara. Ang lolo at lola ko nagging masaya na. “ Alam mo bang hindi ka magaling magtago ng sikreto?” “ Paano mo nasabi?” Nandito kami ngayon ni Lucas sap uno ng manga na hitik sa bunga, kaming dalawa lang dito dahil tinakasan namin si Kaleb. “ Nakakalito ka kase minsan, nararamdaman ko na may itinatago ka, tapos palagi mo pa akong sinusundan at binabantayan.” “ Hindi ko maiwasang mag alala sayo.”