Chapter one hundred eleven MAXINE’S POV’S Pagpunta ko sa bahay nila madam A ay may nasalubong akong kotse na palabas ng gate, siya kaya yun? Kaso ibang sasakyan yun. Tinuloy ko parin ang pagpasok sa bahay niya. “ Madam A? nandyan ka ba? Madam A?” “ Oh, Maxine? Napakaaga mo namang pumunta dito?” “ Madam Amanda.” “ Bakit? Anong problema?” “ Naaalala ko na siya.” Ngumiti lang siya sa akin at hinaplos niya ang mukha ko. “ Huwag ka malungkot diyan, halika pumasok ka, may ipapakita ako sayo.” Malungkot talaga ako dahil ang hirap talaga ng ganito, yung bigla mo na lang maaalala ang lahat at bubuhos ang lungkot ko. Ang tagal ng pananatili ko sa panahon nila Lucas pero pagbalik ko dito normal na araw lang ang nangyari, parang hindi lumipas ang taon at parang oras lang ang lumipas dito sa