Chapter eighty LUCAS POV’S Lumuluha parin ang mga mata ko kahit na papunta na kami sa lugar kung saan kami unang nakatapak sa panahong ito. Mahina ang katawan ko ngayon, nalalasahan ko rin ang dugon a lumalabas sa bibig ko, inuubo ang at halos hirap akong huminga. Inaalalayan ako ni Kaleb hanggang sa pagpasok sa sasakyan. Hindi lang si Maxine ang nasasaktan ngayon, sobrang sakit rin ng pakiramdam ko hindi lang ng katawan ko pati na rin ng puso ko. “ Lucas, nalulungkot ako.” “ Makakauwi na tayo, yan diba ang inaasam asam natin noon pa?” “ Noon yun, pero ikaw—” “ Ito ang nakatadhanang mangyari sa akin kaya tatanggapin ko kahit masakit.” “ Lucas, nasasaktan ka ngayon hindi ba?” “ Wala namang taong hindi nakakaramdam ng sakit lalo kung nasa kalagayan ko sila.” “ Hindi ko na rin gus