Chapter one hundred nine MAXINE’S POV’S Sabay kaming kumain ng umagahan ni Dylan at tingin siya ng tingin sa akin dahil kanina pa ako hindi nagsasalita at kumikibo. “ Ano bang nangyari sayo? Hindi ba masarap?” tanong niya sa akin. “ Okay lang naman yung lasa.” “ Panong okay eh hindi mo pa tinitikman.” “ Hays, nacucurious kase ako Dylan.” “ Saan naman?” “ Para kaseng may bumabagabag sa dibdib ko hindi ko alam kung ano yun, parang may something na gusto kong sabihin, maalala at makita, hindi ko maintindihan ngayon kung ano.” “ Malamang naman namimiss mo si Lucas.” “ Lucas?” napatingin siya sa akin ng may pagtataka sa mukha. “ Si Lucas.” “ Sinong Lucas?” Natulala tuloy siya ng tanungin ko kung sino si Lucas. Hindi ko talaga kilala yung sinasabi niyang Lucas at kung sino yun. “ M