ISANG nilalang ang nagmamasid sa dalawang taong kanina pa nag-uusap sa hindi kalayuan. Isang daang taon na ang nakalipas. Nagbalik na ang Wolf Goddess ngunit hindi pa nito tinatanggap ang responsibilidad nito. “Goddess, maligayang pagbabalik.” Aniya saka nagpatuloy sa pagmamasid. Siya si Iris. Siya ang tagapagsilbi ng Wolf Goddess. Malapit siya sa Dyosa at tinuring siya nitong isang bahagi ng pamilya. Habang pinagmamasdan ni Iris ang Wolf Goddess, may kakaiba siyang napansin sa kausap nitong babae. The Wolf Goddess and the woman she was with. The two had the same breath. Did they also have the same source of their spirit? Iris was confused. Sino ang babaeng ‘to? Nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili. Isang daang taon na ang nakalipas. Isang daang taon mula ng mawala ang Wolf G