MALALIM na napabuntong hininga si Celeste habang tinitignan ang mga kalaban na nakapalibot sa kanila. “You better leave now or else you will all die here.” Aniya sa walang emosyon na boses. “How arrogant you are. I heard that you didn’t shift and yet you dare to challenge us.” Ani ng lalaki. Umikot ang mata ni Celeste. “Minamaliit mo ako. Okay. Since hindi ko kayo mapakiusapan… don’t blame me for being rude.” Bigla na lang siyang nagpakawala ng kapangyarihan. Sa lakas ng kapangyarihan na pinakawalan niya, tumilapon ang mga kalaban. Napangiwi si Celeste. “Opps!” Aniya. Akala niya kinontrol na niya ang kapangyarihan niya pero malakas pa rin pala ang napakawalan niya. Ang ilan sa mga kalaban ay agad na nawalan ng malay habang ang iba naman ay malalang nasaktan. Celeste looked at Athena