SA MGA sumunod na araw naging abala si Lucian dahil sa magkakasunod na report ng iba’t-ibang pack tungkol sa pag-atake ng mga Rogues at Hunters sa mga pack nila. Inisip niya agad na may kinalaman rito si Alpha Joffrey. Though Alpha Joffrey doesn’t attack them personally, his minions are attacking his people. He needs to come up with an idea on how to stop Alpha Joffrey. Celeste… Ayaw niyang mawala sa kaniya si Celeste. Ayaw niyang magsakripisyo ito. He witnessed how she sacrificed herself one hundred years ago. Ayaw na niyang maulit ‘yon. “Lucian!” Napaigtad si Lucian nang bigla na lang may nagsalita sa harapan niya. Natawa ng mahina si Celeste. “Ang lalim ng iniisip mo. Hindi mo pa ako naramdaman na pumasok?” “I was thinking of you.” Celeste smiled. Umikot siya patungo kay Lucian a