bc

One Night With a Stranger (Filipino)

book_age16+
30.2K
FOLLOW
281.1K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
playboy
independent
drama
comedy
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Marami ng beses na nasaktan si Yesha dahil sa pag-ibig, just because she can't give herself to any of her former boyfriends. Yes she is still a virgin, at the age of 22 she's still a virgin, and out of despised and also with the help of the influence of alcohol she gave herself to a complete stranger, a handsome stranger that turned out to be her handsome and gorgeous boss!!!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Brokenhearted
-=Yesha's Point of View=- "Are you breaking up with me?" tanong ko dito hindi ko na napigilan nang gumaralgal ang boses ko sa emosyon nang dahil sa sinabing iyon ni Brix. "Hindi naman sa ganon Yesha, I just think that we need space." Ang sinabi nito ni Hindi man lang ito makatingin ng diretso sa akin. Cool off a nicer way for breakup, split up or whatever that people used pag makikipag hiwalay. Naiwan ako sa Wild Life Park nang nag-iisa and crying to my heart content, wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin, the hell I care with them sobrang sakit ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon so wala silang paki kung magngangawa ako dito. Sa totoo lang expected ko na din naman na mangyayari ito, alam ko ang dahilan kung bakit siya nakipagbreak sa akin, dahil hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa kanya, hindi ko pa kayang makipagsex sa kanya. I'm not really sure kung bakit hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa kanya actually sa lahat nang naging exes ko, kaya nga expected ko nang makikipaghiwalay din ito sa akin dahil sa kadahilanan na iyon pero umasa pa din ako na kayang magtiis ni Brix dahil mahal niya ako, but I guess I was wrong. Nagdecide na akong un uwi na lang ng bahay tutal naman wala din naman mangyayari kung mag stay pa ako sa lugar na iyon, hindi ko naman mababawi si Brix kahit mag ngangawa pa ako buong araw. Pagkadating na pagkadating sa bahay ay pinilit kong ituon ang isipan ko sa ibang bagay para lang hindi ko maisip si Brix ngunit walang epekto eh, pilit pa din siyang pumapasok sa isipan ko and I hate it, I hate myself. We've been together for almost a year, actually this coming June is supposed to be our anniversary ngunit mukhang malabo nang mangyari ang bagay na iyon dahil na din sa nangyari. "Oh God! Please tell me what to do?!" medyo napalakas kong sigaw. "Tumahimik ka nga diyan Yesha!" narinig ko naman sigaw mula sa first floor nang bahay namin and oh by the way that's my mom. By the I'm Ayesha Santillan but my friends and officemates called me Yesha, 22 years old, half Filipina and half British kaya nga may pagkaforeignish ang itsura ko, brown ang lampas balikat kong buhok, kulay hazel brown naman ang mga mata ko na may mahahabang pilikmata which people said that's my asset, matangos din ang ilong ko at mapupula ang mga labi ko na hindi na kailangan gamitan nang lipstick, may kataasan din ako, my height is 5'7 at sabi nga nila puwede daw akong maging modelo but that's not how I roll. Don't ask me about my Dad since hindi ko pa siya nakikita sa tanang buhay ko, according to my mom when the bastard got my mom pregnant ay agad itong bumalik sa bansa nito, leaving all the responsibility behind at hinayaan na lang ang Mommy ko na saluhin ang responsibilidad sa pagpapalaki sa akin. At twenty two I'm still a virgin, been to four or make it five failed relationship since Brix just broke up with me for the same reason. I don't want to have sex with them, maybe the reason kung bakit ayaw ko pang gawin iyon ay dahil na din sa nangyari sa Mom ko at ayokong mangyari sa akin ang bagay na iyon ang maging dalagang ina dahil na din hindi na muling pumasok sa relasyon ito kahit na nga ba madami dami pa din naman ang nagtatangkang manligaw dito and for some reason malakas ang kutob ko na hinihintay pa din nito ang pagbabalik nang Dad ko which I doubt na mangyayari pa. I still believe that a relationship can still work even without sex but I guess I'm wrong since most of the guys are into that kind of interaction, kapag hindi gustong makipag sex sayo nang boyfriend mo, malamang sa malamang bading iyon at ginagamit ka lang para itago ang totoong pagkatao niya. "Shit!" ang mahina kong bulong at imbes na magmukmok ay napagpasyahan ko na lang na puntahan ang bestfried ko na si Julia at again ito na magpunta na lang sa mall. Since elementary ay magbestfriend na kami nito at alam din nito ang lahat nang detalye nang buhay ko from my bastard father leaving us hanggang sa mga failed relationships ko. I remembered way back in our second year sa Caloocan High kung saan kami naghigh school doon ko mas nakitang walang makakasira sa aming dalawa. "Juls I have something to tell you." I said seriously while she on the other hand is busy checking out for cute guys. "Ano na naman yon Yesha? Can't you see I'm busy?" iritable niyang sinabi sa akin, ni hindi man lang ito nag-abalang tignan ako. "Mark is hitting on me." mabilis kong sinabi dito, si Mark ang kasalukuyan nitong nobyo na star player sa school namin, finally ay nakuha ko na ang buong atensyon nito ng dahil sa sinabi ko, sa totoo lang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nito sa sinabi ko. Sa totoo lang ayoko sanang sabihin na sa kanya ang bagay na iyon at iwasan na lang si Mark ngunit masyadong makulit ang naturang lalaki at ayaw pa din tumigil kahit na nga ba bestfriend ko ang girlfriend niya. Nagulat na lang ako at bigla itong naglakad palayo sa akin at nang sundan ko ng tingin ang pupuntahan nito ay nagulat ako na pasalubong pala ito kay Mark ngunit ang mas lalo kong kinagulat ay nang bigyan nito ang binata nang mag-asawang sampal nito at matapos noon ay narinig ko na nakikipag break na ito sa binata. Hindi ko alam kung anong irereact nang bumalik na ito sa puwesto namin na pulang pula ang pagmumukha. "Juls ok ka lang ba?" Alanganin kong tanong dito, saka lang ako nakahinga nang maluwang nang ngumiti ito sa akin. "Yeah I'm ok and thank you for being honest with me Yesha, matagal ko nang napapansin ang palihim na tingin sayo nang loko na iyon at dahil sa pagtatapat mo mas napatunayan ko lang ang hinala ko, kaya salamat." nakangiti na nitong sinabi sa akin. "So hindi ka galit sa akin dahil nasira ko ang relasyon ninyo?" nag-aalangan ko pa din tanong dito. "Oh please Yesha wala kang ginawang masama kaya wala kang dapat na alalahanin and besides nakatulong ka pa nga sa akin dahil may iba na akong nagugustuhan." pilya nitong ngiti sa akin. And eversince mas lalong naging matibay ang pagkakaibigan namin, we're like sisters from different mother. Back to the present. Naligo ako ng mabilisan at matapos magpaalam kay Mommy, ay dali dali akong sumakay sa motor na hinuhulugan ko papunta kela Julia, actually ang laki nang pagtanggi nang mommy ko nang bumili ako nang motor since babae daw ako eh ano naman modern age na naman ngayon, ang mga babae nga nagpapantalon na and besides convenient to para sa akin dahil sa Makati pa ang trabaho ko at ayokong mastress sa grabe ng traffic dun please lang. Wala pang kinse minutos ay narating ko na ang bahay nila Julia since hindi naman kalayuan ang lugar nila sa amin sa Caloocan. "Julia!" I shouted while knocking hard on their door, ilang sandali lang ay bumukas na din ang pinto at bumungad sa akin ang Tatay ni Julia na si Mang Gerry. "Hello Tito, nandiyan po ba si Julia?" I asked even though alam ko naman nasa taas ang anak nito. "Nasa taas siya Yesha akyatin mo na lang." ang sinabi nito at matapos nga nun ay bumalik na ito sa pagkakaupo at muling binuklat ang diyardo na hawak hawak nito. Dali dali akong umakyat sa kuwarto ni Julia na parang hindi babae dahil sa kalat kalat na damit sa kuwarto nito. Naabutan ko naman si Julia na himbing na himbing na natutulog habang nakatalukbong ng kumot, hindi ko magets kung paano ito nakakatulog lalo na't sobrang init ng panahon. "Juls wake up, samahan mo ko sa mall." Ang sinabi ko dito habang inuuga- uga ko siya para magising. "Yesha lumayas ka nga huwag mo kong istorbohin kakauwi ko lang sa duty ko." antok na antok pa nitong sinabi sa akin sabay takip ng unan sa ulo. "Juls, please I need you." naluluha kong sinabi dito, kanina ko pa pinipigilan ang emosyon na gustong umalpas sa loob loob ko dahil ayoko naman pag-alalahanin ang mommy ko. That caught her attention at sa wakas tinanggal na nito ang kumot na tumatabing sa mukha nito at tumingin na din ito ng may kaseryosohan sa akin. "Let me guess, nakipaghiwalay na sayo si Brix?" she asked, which I just nodded, she just hugged me tigthly and my tears started to flow from my eyes. Matapos nga noon ay agad na akong sinamahan na mag mall. After twenty minutes nakarating agad kami sa SM North Edsa at minabuti namin na kumain na lang muna sa Old Spaghetti House kung saan namin inienjoy ang paborito naming pasta and pizza meal. "So let me get this straight, kaya nakipaghiwalay sayo ang damuhong iyon ay dahil ayaw mong makipag sex?" Julia asked. "Oo, hindi niya kasi ako magets na hindi pa ko handa." pagmamaktol ko. "At bakit ka umiiling?!" pahabol ko nang makita kong umiiling iling ito. "Hindi ko alam ang hinihintay mo, pero hello nasa 21st century na tayo hindi na uso ang conservative type, tinalo mo pa ang madre sa pagiging conservative." pambabara niya sa akin. "Alam mo naman na ayokong magaya sa mom ko na naging dalagang ina." nakayuko kong sinabi dito. "Well Yesha madami namang way para hindi ka mabuntis meron naman condom, contraceptive at kung ano ano pa kung gusto mo bibigyan pa kita." seryoso nitong sinabi sa akin. "OMG! Hindi ko akalain na gumagamit ka pala non?" gulat na gulat kong sinabi dito dahil hindi ko inieexpect. "Gaga! Galing iyon sa ospital and for your information virgin pa ako." masungit nitong sinabi sa akin. "So ibig mong sabihin ibigay ko na yung sarili ko sa kanya?" nag-aalangan kong tanong dito. "Mahal mo yung tao diba?" she said. "Oo naman mahal na mahal ko si Brix." siguradong sagot ko. "Eh kung ganun ano pang hinihintay mo?" she asked as if stating the obvious. Dali dali akong tumayo at naglakad palayo naiwan tuloy si Julia. "Hoy! sino magbabayad nito," sigaw nito na napailing na lang since hindi ko na siya pinansin. I have one place in mind right now, dali dali akong sumakay ng motor ko at binaybay ang patungong Makati. I checked my time and saw it's past 8pm at sure akong nasa condo siya ngayon since I know his schedule. Nang nasa elevator pa lang ay grabe na ang kabang nararamdaman ko, nagdecide na kasi akong ibigay ang sarili ko sa kanya, but if it means that I can win him back, willing akong gawin ang bagay na iyon, napatingin pa ako sa plastic bag ng Mercury Drugs dahil bago dumiretso sa condo nito ay dumaan muna ako para bumili nang condom at sa totoo lang parang mamatay ako sa sobrang hiya nang bumili ako ng bagay na iyon. Finally 27th floor, I walked to his condo unit which is 27-C. I was about to knock when I realized that I still have his key. So instead of knocking I unlocked the door and push it open, pagbukas ko ng pinto nakita kong walang tao sa sala. "Malamang nasa kuwarto siya ngayon." Sa loob loob ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kuwarto ni Brix at dahan dahan kong binuksan ang pinto nang kuwarto nito with a smile in my face dahil alam kong magugulat ito sa akin ngunit parang mas ako ang nagulat sa nakita ko nang tuluyan ko nang buksan ang pintuan. Brix banging another girl in his bed! Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa nakita ko, lahat ng pag asa sa loob ko ay biglang naglaho na parang bula. Ngayon alam ko na it's finally over between us.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.9K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook