MILES POV. NAKARINIG ako ng ingay na nanggagaling sa labas kaya sumilip ako sa bintana. Nakita kong may isang lalaki na sinusubukan umakyat sa mataas na pader. Ang nakakapagtaka bakit sa loob ng mansion galing ang lalaking yon? Nilapitan ko si Gabbi, malakas ang aking pakiramdam na may panganib kaya ginising ko ang aking anak. “Mama Lynne, bakit po?” “Kahit anong mangyari o sino ang tumawag sayo. Hanggang hindi ang boses ng Daddy mo at boses ko ang yong marinig ay huwag mong bubuksan ang pinto. Isa pa ay alam namin ng Daddy mo ang code ng pintuan.” “Opo Mama Lynne.” “Stay, okay?” at babalikan kita.” “Opo, dito lang po ako.” Maingat akong lumabas at sumilip sa pasilyo. Walang tao sa paligid, mabilis kong hinila pasara ang pinto at sinigurong naka lock iyon. Mabuti na lang at naisipa